Said I Love You, But I Lied - Chapter 15

278 10 1
                                    

Chapter 15:

JAYPEE’s POV

Hapon na ng matapos ang meeting ko with the company’s VP. Nang sumulyap ako sa aking relong pambisig, past five na.

Nasaan na kaya ang secretary ko? Ano kaya ang ginawa nya habang wala ako? Sino ang kasama nyang kumain kanina? Malamang magkasama silang  naglunchbreak ni Dennis. Narinig ko ang usapan nila kanina sa hagdan, nagpapangganp lang akong walang naririnig.

Patungo na ako sa aking opisina ng maalala kong naka-off nga pala ang phone ko. Isa-isang nagpasukan ang mga text messages pagkabukas ko pa lang ng phone. Unang hinanap ng mata ko kung may text galing kay Toni, at hindi naman ako nabigo.

From:   Anna Maritoni

Nauna na kong umuwi, tumawag si Karen eh. Ingat ka sa byahe.

PS. Sensya na kanina. Promise, wala lang yon. Kilala mo naman ako di ba?  Smile ka na. Bawal ang nakasimangot.

Sa huli ng text nya may smiley na nakalabas ang dila. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Alam na alam nya kung paano ako pangingitiin. Kakalimutan ko na lang ang napansin ko kanina. Baka nga tamang hinala lang ako.

Pagpasok sa loob ng opisina agaw pansin ang isang dilaw na box na nasa ibabaw ng table ko. Agad akong lumapit, hindi naman halatang excited ako. Alam ko kung kanino ito galing.

Pagkabukas sa box tumambad sa akin ang bilog na chocolate cake, may smiley na nakalabas ang dila sa gitna. Hinanap ko kung may kasamang note.

Hindi bagay sa’yo ang seryoso. SMILE!

PS. Madaya ka! Wala akong kasamang kumain kaninang lunch.

Yan ang nakasulat sa note. Kahit walang pangalan  alam ko na kaagad kung kanino galing ang cake. Patunay ang  signature nyang smiley. Kilalang kilala na nya talaga ako. Lalo lang tuloy lumawak ang ngiti ko. Pero dagli rin akong nakonsensya ng mabasa kong wala syang kasamang kumain kanina. Ibig sabihin, hindi sya sumama kay Dennis?

Halos liparin ko ang papuntang parking lot. Gusto ko na kaagad makarating sa bahay. Nakita ko sa parking si Dennis, saktong papasok na rin sya sa sasakyan nya.

“Jaypee mukhang nagmamadalai ka atang umuwi ngayon?”  Pag nasa labas kami ng company saka lang kami nagtatawagan sa first name. Iba kapag nasa loob kami ng kumpanya. Boss ko pa rin sya at empleyado nya lang ako. Para tuloy ngayon napapaisip na ako.

“Hindi naman. Baka kase maipit ako sa rush hour traffic.”

“Hindi mo ata kasama si Anna ngayon?” medyo sumilip pa sya sa likuran ko.

 Hindi nakaligtas sa pandinig ko ng tawagin na naman nyang Anna si Toni. Parents nya lang ang tumatawag sa kanyang Anna. Why? Dahil ayaw nya. Parang ang fragile daw, mahina at ayaw nya ng ganon. And now, maging si Dennis tinatawag na syang Anna.

“Nauna na syang umuwi. May lakad sila ni Khaye.” Saka sya tumango-tango bilang sagot. Naalala ko na naman iyong narinig ko kanina sa hagdan, about sa lunch nila. “How’s your lunch with Toni kanina?” Medyo na-off guard sya ng tanong ko, bigla syang natigilan.

“Hindi kami natuloy. Biglang nawala si Anna kanina. Medyo nagtataka nga ako kung ano ang nangyari.” Lihim akong nagdiwang dahil sa narinig.

“I just want to ask--”

“I just want to ask--”

Sabay pa naming nasabi.

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now