Said I Love You, But I Lied - Chapter 7

372 8 4
                                    

Chapter 7:

TONI’s POV

Halos dalawang oras din kaming nagkwentuhan ni Dennis sa loob ng mini-stop.

Masaya syang kasama. Masarap kausap. Walang kayabangan sa katawan.

Nakakahiya mang aminin pero namimiss ko na sya kaagad. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng brutal na magpinsan kapag nalamang nilang tumambay ako sa isang convenience store.

Kung hindi pa namin napansin ang oras, baka inabot na kami doon ng gabi. Wala naman kaming matinong pinag-usapan. Kung anu anong mga bagay lang. Masaya ako sa nangyari.

Hindi ko na kokontrolin ang gusto ng puso ko.

Bahala na.

“Ngayon ka lang ba dumating?”

Nasalubong ko si Manang habang paakyat ng hagdan. Siya naman ay pababa.

“Ahh—Opo. Nag-mall po ako.”

“Nagmall? Eh wala ka namang hilig sa mall.”

Pakiramdam ko namula ako sa sinabi ni Manang. Huling huling nagsisinungaling ako.

“Magpahinga ka na sa kwarto mo. May pasok ka pa mamaya. Wala ka pang tulog. Gigisingin na lang kita mamaya bago ako umuwi.”

“Sige po.”

Agad akong umakyat sa kwarto ko. May pasok pa ako sa bar mamayang gabi kaya kailangan kong matulog kahit ilang oras lang.  Good luck sa akin kung makatulog pa ako. Masyado pa akong masaya. At ayokong mawala kaagad ang kasayahang iyon.

Halos isang oras na akong nasa loob ng kwarto ng makarinig ako ng mga katok sa pinto. Sinipat ko ang digital clock sa taas ng pintuan. Alas tres na pala ng hapon, pero gising na gising pa rin ako.

Muli kong narinig ang mga katok. Tinatamad akong tumayo. Siguradong si Manang lang naman yan. Saka hindi naman nakalock ang pinto.

“Anton.” Mahinang boses galing sa may pinto.

Ibinaba ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Nakita ko si Mikki na papalapit sa kama ko. Nakasuot pa sya ng kanyang school uniform.

“Hmmm.”

“Buti naman boy gising ka pa. I need your laptop. Can I borrow it?”

Tinaasan ko lang si Mikki ng kilay ng tawagin nya akong boy. Pero deadma lang sya. Naupo kagad sya sa table na nasa katabi lang ng kama ko. Saka kinuha ang laptop na nasa drawer ng table kahit hindi ko umo-oo.

Dalawa ang computer sa loob ng kwarto ko. Una ay ang mac na bigay ni Jaypee sa akin simula ng dito ako tumira sa bahay nya. Pangalawa ay ang personal kong laptop na yakap yakap na ni Mikki.

“Naiwan ko sa kotse ng classmate ko iyong laptop ko. Kaya hihiramin ko muna itong sa’yo. Hindi ko naman mahiram iyong kay Khaye, dahil busy sya. I need to revise my resume.”

“Resume?”

“Boy mag-aapply na ako ng work.”

“Anong apply ng work eh hindi ka pa nakakagraduate.” Tuluyan na akong naupo sa kama ko.

Tutal naman hindi ako makatulog, mabuti pang makipag-kwentuhan na lang muna kay Antonio.

“I mean OJT.”

“Ahhh.” Saka ako tumango tango.

“Alam mo ba kung saan ako mag-aapply--”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now