Said I Love You, But I Lied - Chapter 24

208 5 4
                                    

Chapter 24:

Isang linggo na ang nakakalipas simula nong magkita kami ni Dennis sa coffee shop, hanggang ngayon hindi ko pa sya nakikitang muli. Inaamin ko namimiss ko na sya.

Gabi –gabi na lang akong naghihintay sa bar, baka sakaling maligaw sya don pero lagi na lang akong bigo. Buti pa si pugitang Ivy nakikita ko don. Madalas sya don kasama ang mga kaibigan nyang isda.

Isang linggo na rin akong lutang. Parang wala ako sa aking sarili. Para na akong zombie. Madalas pa akong magkamali sa trabaho, buti na lang andyan si Darwin.

Nong isang gabi lang dalawang costumer na ang nagreklamo dahil sa akin. Mali ang nabibigay kong inumin. Nadadamay na ang trabaho ko ng dahil sa lintik na puso ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ganon na lang ang naging epekto sa akin ni Dennis. Bakit  minahal ko sya sa loob lang nang maiksing panahon? Kelan lang kami nagkakilala, at wala rin kaming malalim na pinagsamahan.

Love at first sight nga siguro ang nangyari sa akin, dahil simula nong muntik muntikan na nyang masagasaan si Makki hindi na sya nawala sa isip ko. Putek na love at first sight yan pahamak. Ang tahimik ng buhay ko bigla na lang nagulo.

Ang masakit pa ako lang ang nagkakaganito. Ang unfair lang. Hirap na hirap na ako pero ang lalaking yon parang wala lang. Sino nga ba naman ako para magkagusto sya sa akin di ba? Sabi nga ng magpinsan para raw akong bilasang isda sa palengke. Pero maganda rin naman ako, hindi lang ako nag-aayos. Hindi ba nya nakikita yon ?

Bakit ba hindi na lang sya magkagusto sa akin para wala ng gulo? Gusto ko sya hindi ba pwedeng gusto nya din ako?

Sige Toni. Ipush mo yan.

Napalingon ako sa paligid ng parang may narinig akong nagsalita.

Nasampal ko na lang ang sarili ko ng mapagtanto kong nasa isip ko lang ‘yon. Tamo, nababaliw na rin ako.

 Bumalik sa isip ko ang nangyaring eksena sa coffee shop. Hindi ko maiwasang umasa ng makita kong nasaktan si Dennis ng tila balewalain namin ang presensya nya ng dumating si Jaypee. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata noon hindi ako maaaring magkamali.

Hanggang asa na lang ba ako?

Masyado na ba akong nag-aassume kaya nasasaktan ako ng ganito ngayon?

Toni gumising ka sa katotohanan. Wala namang kayo eh. Wag kang nangangarap ng gising.

Haist! Hindi ko na talaga ‘to kaya.

Padabog akong tumayo at lumabas ng bar counter. Uuwi na lang ako. Wala rin naman sa trabaho ang isip ko eh. 

Nasalubong ko  si Darwin na may dalang tray habang papunta ako sa locker room. Nakangiti sya sa akin pero hindi ko sya pinansin. Wala talaga ako sa sarili ko ngayon.

“O Boss san ka pupunta?” Hindi na ko lumingon para alamin kung sino ang nagsalita. Sino pa ba ang tatawag sa akin ng Boss? Si Darwin lang naman.

“Uuwi na.” patamad kong sagot saka nilabas ang mga gamit ko mula sa locker.

“Ha? Eh maaga pa ah. Undertime ka?” Tumango ako.

Napahinto ako sa aking ginagawa ng hawakan ako ni Darwin sa braso. “Okey ka lang ba? Gusto mo ihatid na kita sa inyo?”

“Okey lang ako. Tinatamad lang ako magtrabaho. Sige bumalik ka na don.”

“Sigurado ka?” parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

“Sigurado.” Sagot ko sa kanya saka ako ngumiti.

“Sige. Sabi mo eh. Pero Toni, kung kailangan mo ng kausap alam mo naman na andito lang ako di ba?”

Tinanaw ko ang likod ni Darwin habang palabas ng locker room. Kailangan ko nga ng kausap pero hindi ko naman alam kung paano saabihin ang problema ko. Ako lang naman ang may problema eh. Nagmahal ako sa maling tao.

Nanghihina akong napasandal sa locker. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. May luhang bigla na lang tumulo mula sa mata ko. Ang hirap. Ang sakit sakit na.

***

Pagkatapos kong magpaalam kay Boss Will, lumabas na ako ng bar. Dahil hindi ko dala ang BheBhe ko naglakad lang ako. Wala akong tiyak na pupuntahan. Bahala na kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

Nasa isip ko kanina na umuwi na lang pero biglang nagbago ang isip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang park. Naupo ako sa isang bench na malayo sa karamihan.

Kahit madaling araw na marami pa ring tao sa park. Kahit saan ako tumingin puro magkasintahan na super PDA ang nakikita ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Lalo lang bumibigat ang dibdib ko sa kanila.

May napadaang lalaking nagdya-jogging sa harapan ko. Nasamyo ko ang kanyang pabango. Parang pamilyar ang pabangong yon. Hindi ko lang maalala kung saan ko yon naamoy.

Sinundan ng mga mata ko ang lalaki. Nagdya-jogging sya paikot ng park. Nakasuot sya ng jacket na itim at nakasuot ang hood sa kanyang ulo. Bakit naman kaya naisipan ng lalaking iyon na magjogging kung kelan madaling araw na? Mag-aalas dos pa lang ng umaga. Masyado pang maaga.

Biglang nawala ang lalaki sa paningin ko. Saan na kaya yon napunta? Baka umuwi na.

Inayos ko ang sombrero kong suot saka muling ginala ang aking paningin sa paligid ng park.  Walang mag-aakala na babae ako dahil tinago ko ang aking buhok sa sombrero.

May nakita akong dalagitang nagtitinda ng mga bulaklak. May lumapit sa kanyang magkasintahan. Bumili ng bulaklak ang lalaki saka binigay sa kanyang kasintahan. Nakaramdam ko ng inggit. Kahit sa tabi-tabi lang nabili ang bulaklak na iyon alam ko kung paano non napasaya ang kanyang kasintahan. Napadaan ang magkasintahan sa aking harapan, hindi ko maiwasang sundan sila ng tingin.

Paglampas ng magkasintahan, hindi ko na napigil ang luha ko. Bakit ba kahit saan ako tumingin si Dennis ang nakikita ng mga mata ko?

Yung lalaking nagjajogging kanina ang tingin ko si Dennis.

Pati ba naman iyong dumaang magkasintahan si Dennis pa rin ang nakikita ko?

Ganon na ba ako kalala?

Tumingin ako sa malayo. May nakita akong lalaking naglalakad palapit sa akin. Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko. Eto pa ang isa. Si Dennis din ang nakikita ko sa lalaking naglalakad. Nababaliw na siguro ako.

Yumuko na lang ako at hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Siguro kung may makakakita sa akin sa mga oras na ito, iisa lang ang iisipin, baliw ako.

“Anna.”

Napa-angat ang ulo ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Lalo lang bumilis bumilis ang tibok ng puso ko, iisa lang naman ang tumatawag sa akin ng Anna. Umasa na naman ang puso ko.

Nasa harapan ko ngayon ang lalaking mukha ni Dennis ang nakikita ko. Napangiti ako ng mapait.

Pinahid ko ang luha ko saka tumayo. Nagulat ako ng biglang hawakan ako ng lalaki sa braso.

“Umiiyak ka ba?” Tiningnan ko sya, pero si Dennis pa rin ang nakikita ko.

Hinila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak  nya saka nagsimulang maglakad palayo.

Tssk ! Bakit ba kinakausup nya ako? Hindi ko naman sya kilala.

Bigla akong napahinto. Tinawag nya akong Anna kanina.

Parang slow motion ang naging paglingon ko. Nandoon pa rin ang lalaki, kung saan sya nakapwesto kanina. Hindi sya umalis. Nakayuko lang sya.

Unti-unti syang nag-angat ng ulo saka tumingin sa akin. Tama ba ang nakikita ko?

Si Dennis?

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now