Said I Love You, But I Lied - Chapter 19

227 7 1
                                    

Chapter 19:

“She’s not my girlfriend. She’s my childhood friend. Kababata. Pero kung makaasta sya talo pa nya ang girlfriend ko. Mas worse pa nga ata. Lagi na lang syang nakabuntot kahit saan ako magpunta. Ayoko naman syang bastusin dahil kahit papaano kaibigan ko pa rin sya. And Ninong ko pa ang Daddy nya.”

Nagiging madaldal na si Dennis dahil na rin sa epekto ng alak. Marami-rami na rin syang nainom kaya naman halos nakwento na nito ang buong buhay  sa babaeng kaharap. Kahit naiinis sa lalaki, nagtyagang makinig si Toni sa mga kwento nito kahit ang iba paulit-ulit na lang. Natatawa sya sa hitsura nito. Pero hindi ibig sabihin bati na sila. Galit pa rin sya sa lalaki. Gusto nya lang makaganti sa ginawa nitong pananakit sa kanya.

“Hindi ka ba nagsasawa sa kakasunod sa’yo ng babaeng paguting iyon?”

“Anong pugita? Bakit pugita?”

“Octupos. Shunga! Tagalog lang hindi mo na alam.” Saka nya hinampas ng malakas ang kaharap sa braso.

“Ano naman iyong shunga?”

“Ang dami mo namang tanong. Uminom ka na nga lang.”

“Teka lang—Bakit ako lang ata ang umiinom? Nilalasing mo ba ako?”

“Anong nilalasing ka dyan? HOY! ASA KA HA! Ikaw ang kusang pumunta sa bar na ito para maglasing. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Pesteng ‘to.”

“Highblood ka naman masyado. Sorry na. Huwag ka ng magalit.”

Natigilan si Toni sa sinabi ni Dennis. Hindi nya inaasahang  basta basta na lang ito hihingi ng sorry. Walang wala sa character nito ang nagsosorry. At para lang sa walang kwentang bagay, nagsosorry ito sa kanya ngayon. Magsorry rin kaya sya kapag nalaman nyang sobra syang nasaktan nito?

“Sorry na. Huwag ka ng magalit sa akin.” Biglang may pumitk sa kanyang dibdib ng muling magsorry ang binata. Bakit tila nag-iiba na naman ang tingin nya dito? Nawalang parang bula ang inis na nararamdaman nya. At ang tanging gusto nya lang gawin ay ang i-comfort ito.

“Toni umayos ka. Nalaman mo lang na hindi nya talaga girlfriend si pugita girl nagkakaganyan ka na naman? Maniniwala ka ba sa lasing?” mariing sabi ng isip nya.

“Pero narinig mo naman sa parking area di ba? Hindi nya gusto si Ivy. Meaning, wala silang relasyon.” Sagot naman ng puso nya.

“Anna Im sorry. Huwag ka ng magalit. Sorry na talaga. Hindi ko naman sinasadya eh.” Hindi nakakilos si Toni ng mariing hawakan ni Dennis ang kanyang kamay. Sa simpleng hawak pa lang nito nagwawala na ang kanyang puso. At hindi nya ito gusting mangyari.

“Tigilan mo na nga ang kakasorry mo. Para kang sira.” Napalakas sa normal ang kanyang boses. Ginawa nya iyon para maitago ang nararamdamang kaba. Naguguluhan na sya sa nararamdaman. Hindi na nya alam kung ano ang susundin. Ang puso ba nya o ang isip?

Nasaan na ang galit nya?

“Pasensya ka na. Baka isipin mo ang kulit kulit ko. Ayoko lang talaga na magalit ka sa akin. Anna--” nagtama ang kanilang mga mata at may kung ano syang nakita sa mga mata ni Dennis pero hindi nya maipaliwanag kung ano. Agad nyang binawi ang tingin. Hindi nya kayang makipagtitigan dito ng matagal. Baka ipagknulo sya ng sariling damdamin. Lalabas na naman syang kahiya-hiya. Masasaktan.

“Help me Anna.” Mahina lang ang boses ni Dennis pero maliwanag na narinig nya ito. “Help me to get rid of Ivy. Be my girlfriend.”

“WHAAT?”

“Don’t get me wrong. Anna---Haisst! Shit!” napasabunot ito sa sariling buhok saka mahinang pinukpok ang ulo sa table.  “Forget it. Just forget it. Im sorry.”

“Wala ka na bang ibang sasabihin kundi sorry? Umay na umay na ako sa sorry mo.”

“Hindi mo lang alam Anna, pero marami akong gustong sabihin sa’yo. Hindi ko alam kung saan magsisimula. At lalong hindi ko alam kung maniniwala ka. Sino ba naman ako para paniwalaan mo? Im a total stranger to you. And ayokong pagdudahan mo ang mga sasabihin ko. Baka isipin mo weird ako.”

“Hindi nga ba?”

“Maybe Im acting weird but Im not weird. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin.”

“You’re right. Your acting weird. Sa totoo lang nawiwirduhan na ako sa’yo. Hindi na kita maintindihan. Ano bang mga sinasabi mo? And you want me to be your girlfriend to get rid of Ivy? Ano ito, magpapanggap tayo bilang magjowa?”

“Kinda! No! I don’t mean that. Shit! I really don’t know what to say.”

“Okey! I will help you.”

“WHAT?”

“You heard me. From now on..IM YOUR GIRLFRIEND!”

Matagal ng nakaalis ang sasakyan ni Dennis pero sila andon pa rin. Hindi sila makaget-over sa nasaksihang eksena sa parking lot. Lalo na ang narinig mula sa binata.

“Pwede na ba akong magsalita?” –Mikki

“Gow Couz!”

“I don’t think my girlfriend talaga si Papa Cologne.”

“Paano mo nasabi? Close kayo?”

“Di naman masyado. Pero feeling ko magiging close kami soon. Pero syempre chika lang yon, eto ang totoo. Napanood ko kahapon si Papa Cologne sa isang talk show and naitanong doon kung may girlfriend sya. He said none. Pero ang pinagtataka ko lang bakit nya sinabing may girlfriend sya don sa Ivr girl kanina?”

“Syempre para layuan na sya nong Ivy.”

“Sa nakikita ko hindi naman bobo ang Ivy na iyon para maniwala na lang basta. Hindi lang naman ako ang nakapanood ng interview na yon, malamang hindi talaga maniniwala iyon. Hindi rin sya lalayuan ng Ivy na iyon. Saka kung ikaw ba ang girlfriend, gugustuhin mo bang ideny ka ng jowa mo sa buong pipol of the Philippines? Syempre hindi di ba?”

“Pero kung ikaw ang girlfriend? Malamang na ideny ka talaga.”

“Couz ano ka ba? We’re serious here!”

“Fine! Whats  your point?”

“Dennis lied to Ivy. Wala talaga syang girlfriend. At dahil sinabi nyang may girlfriend sya kahit wala naman talaga, ngayon obligado syang magpakilala ng girlfriend kay Ivy. Para tigilan na sya nito.”

“At ano naman ang pakialam natin don? Ha? Aber?”

“How about you Anton? Gusto mo bang mangialam? Do you wanna get even?”

“Huwag nyo akong idamay sa mga kalokohan nyong yan.”

“I love that!” nag-apir pa ang magpinsan. Napailing na lang si Toni. Hindi nya maintindihan  ang usapan ng dalawa kaya mas minabuti pa nyang paandarin na lang ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Nakikinig pa rin sya sa usapan pero hindi sya makasakay.

“Guys please fasten your seatbelt. Because starting today, we’re gonna have tha most exciting ride of our life.” Isang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa mga labi ni Khaye.

Isang plano ang kanilang nabuo.

TONI’s POV

Dennis Hubert Angeles you better get ready. Ipapalasap ko sa’yo ang sakit na naranasan ko. Nagkamali ka ng taong sinaktan. Bakit ang isang Anna Maritoni Jimenez pa?

It’s payback time!

Im going to get even.

Or worse?

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now