Said I Love You, But I Lied - Chapter 35

161 6 0
                                    

CHAPTER 35

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Pinaprocess pa rin ng utak ko ang lahat ng sinabi nya.

That girl….is me? Ako talaga? Totoo ba ito o ginugudtaym nya lang ako? Paano nangyaring ako ang babaeng hinahanap nya?

Ang naaalala ko, kaya sya naiwan dito sa bansa ay dahil sa babaeng iyon. Pero paano nangyaring ako ang babaeng iyon? Hindi ko talaga magets.

Totoo bang nangyayari ito?

Baka naman nananaginip lang ako?

Palihim kong kinurot ang sarili ko, pero nasaktan lang ako. Meaning totoo ang lahat ng ito.

“Paano—Di ko—Kelan pa?” Nauutal na ako sa pagsasalita.

“Noon pa lang alam kong hindi ka maniniwala kapag sinabi ko ito sa’yo. Kaya nga naghintay ako ng magandang pagkakataon para mapalapit sa’yo. Noong una talaga balak ko nang ligawan ka, pero sa tuwing kaharap na kita natotorpe na ako. Im not like this pero kapag ikaw na ang kaharap ko nawawala na ako sa sarili ko.”

Napanganga ako sa sinabi nya.

“Anna nong una pa lang kitang makita, sigurado akong gusto na kita. I really really like you.”

Sobra akong naliligayahan sa mga naririnig ko. Lord kung panaginip po ang lahat ng ito, please lang po, huwag nyo na po akong gisingin.

Inisip ko kung kelan kami unang nagkita. Hindi ba iyon ‘yong muntik na nyang masagasaan si Mikki? Birthday ni Jaypee. Ang yabang at ang presko pa nya noon. Akala mo kung sinong may ari ng Ayala Ave. Sa pagkakatanda ko rin, sinabihan pa ako ni Mikki noon na mukha raw akong bilasang isda. So ibig sabihin, noon nya ko nakita? Nalove at first sight sya sa beauty ko? Ay taray! Haba ng hair ko.

“Anna…please say something.” Parang nagmamakaawa ang boses nya.

“Anong sasabihin ko?”

“Anything. Kahit ano.”

“Sa totoo lang, marami akong gustong itanong pero hindi ko alam kung ano. Nagulat talaga ako sa sinabi mo. Parang hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? O baka naman pinagtitripan mo lang ako?”

“Anna Im dead serious here. Bakit naman kita pagtitripan?”

Kunsabagay tama sya. Ano nga naman ang mapapala nya kung pagtitripan nya ako? Wala naman di ba?

Nagtapat na nga sya sa akin aarte pa ba ako? Sige na nga. Aamin na din ako.

“Payn! Magsasabi na ako ng totoo. Pero promise hindi mo ko pagtatawanan ha?”

“Bakit naman kita pagtatawanan?”

“Basta magpapromise ka.”

“Okey. Sige. Promise!” Tinaas pa nya ang kanyang kanang kamay bilang tanda ng kanyang pangako.

Ako naman huminga muna ng malalim saka nag sign of the cross. Nakita ko pa syang ngumiti bago ko ipikit ang aking mata.

Shemay! Kinakabahan ako. Ganito pala ang feeling kapag magsasabi ka ng totoo mong nararamdaman. Nakakamatay sa kaba.

“Inaamin ko…nong una kitang makita nayabangan ako sa’yo..ang presko mo..akala mo kung sino..pero inaamin ko din na simula noon..hindi ka na maalis sa isip ko..Lagi kitang naiisip..akala ko crush lang..pero nong tumagal don ko nalaman na hindi pala..GUSTO NA PALA KITA.”

“Is this true?” Sa sobrang tuwa nya, halos durugin na nya ang balikat ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya.

“Ay hindi..joke lang ‘to.” Bigla naman lumungkot ang histura nya. “Sira ka. Syempre totoo ‘to no. Bakit naman ako magsisinungaling. Ang tagal ko kayang tinago ‘to. Kala mo ba.”

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Noong nasa Korea ako hindi ako makatulog sa gabi dahil ikaw ang lagi kong naiisip.”

Sinabi ba nyang nong nasa Korea sya? Tumira nga pala itong si kumag sa ibang bansa. Nakakatuwa naman. Sa Korea pala sya dati nakatira. Andon din kase ngayon ang Ate Marge ko.

“Gustong-gusto ko ng umuwi dito noon para makita ka. Gusto kong makita ang hitsura mo sa personal. Gusto kong makita ang ngiti mo. Kung pano ka sumimangot. Kung ano ang tunog ng boses mo. Kung pano ka magalit. Basta gustong-gusto kong makita ka. At hindi naman ako nabigo. Heto ka ngayon, kaharap na kita.”

Napapangiti na lang ako sa lahat ng sinabi nya kahit medyo OA na. Hindi ako naiinis, imbes kinikilig pa nga ako eh. Ganito nga siguro talaga kapag inlove. Nagiging OA. Pero sobrang sarap naman sa pakiramdam. Sabi nga sa commercial ng rebisco, ‘ang gaan ng feeling ko.’

“Teka, pano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?”

“Sinundan ko si Darwin. Tapos narinig ko iyong usapan nila ng kapatid nya. Sinundan ko ang kapatid nya dito.”

“Ikaw ha. Stalker ka.” Pinalo ko sya sa braso pero mahina lang.

Bigla syang naging seryoso. Nawala ang ngiti nya kaya medyo kinabahan ako.

“Para akong masisiraan ng ulo kakahanap sa’yo. Next time, huwag kang basta na lang nawawala ha? Baka tuluyan na akong mabaliw.”

“Ang OA mo.”

“Hindi ako OA. Sinasabi ko lang ang totoo. Seryoso ako Anna.”

Tumingin ako sa mata nya at nakita kong seryoso nga sya.

“Sige. Hindi na.” Yon na lang ang nasabi ko.

Bumalik naman kagad ang saya sa mukha nya. Niyakap na naman nya ako. Niyakap ko rin sya. Sobrang saya ko talaga. Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganito kay Dennis. Akala ko hindi ko na sya makikita. Pero heto at sobra sobra pa. Hindi ko lang sya basta nakikita. Nayayakap pa.

“Liligawan kita.” Sabi nya.

Kailangan pa ba?

Kahit hindi na. Dahil ngayon pa lang sasagutin na kita.

Pero hindi ako sumagot. Hindi naman sya nagtanong eh. Mas lalo ko lang siniksik ang sarili ko sa kanya. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap nya sa akin.

Kahit hindi na ako kumain ng tanghalian hanggang kahapun. Dahil kay Dennis pa lang busog na busog na ako.

Thank you Lord sa bonggang happy meal!

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now