Capitulo Cuarenta y Cuatro: Secrets

26K 619 130
                                    

CHAPTER 44

 

NANDITO KAMI NGAYON nakatayo sa harap ng puno malapit sa bangin. Kitang-kita ko pa rin 'yung inukit dati ni Daniel dito mismo sa napakalaking puno na kaharap ko... three years ago. 'Yung pangalan naming dalawa na nakapaloob sa isang puso, DJ at Chandria. Napangiti ako at binaling na ulit ang tingin kay Daniel. Hayun siya. Kinakapa-kapa niya 'yung malaking puno na 'yun at kanina pa naghahanap. Paikot-ikot siya at sinusuri 'yung puno. Ako naman, nakatayo lang at tinititigan siya.

"Ayun!"sigaw niya makalipas ang ilang minuto.

Nagulat ako kaya napalapit ako bigla. May parang keyhole nga doon sa tinuturo niya pero hindi sa mismong puno; nasa may lupa. Halatang nakatago iyon dahil napapaligiran ng maraming dahon pati rin lupa, 'yung keyhole lang ang tanging lumilitaw. Napahukay pa kami at tinanggal 'yung mga tuyong dahon na tumatakip dito. Nang maayos na ay bumungad sa amin ang isang parang basement door na gawa sa kahoy. Ang dungis na naming pareho ni Daniel, buti na lang hindi umuulan kung hindi baka naligo na kami sa putik.

Halatang excited siya na kinakabahan na ewan. Ako rin ganu'n ang nararamdaman e. Nakakacurious kasi kung anong tinatago ng lolo niya doon. Tahimik lang kaming pareho, tinititigan ko lang siya. Pawis na pawis na pero gwapo pa rin. Linagay na niya 'yung susi sa may keyhole, tumunog 'yun tanda na nabuksan na. Napangiti siya, napangiti rin ako nang dahil sa ngiti niya. Para siyang isang inosenteng bata na may kinasasabikang makita.

"Ayos! Tara Babs!" sabi niya. Hinila niya 'yun at tumambad sa amin ang isang lagusan pababa sa ilalim ng lupa. Madilim pero kita mong may hagdan doon. Nawala naman 'yung ngiti ni Unggoy nang makita 'yon, takot kasi sa dilim 'di ba? Buti na lang nagdala ako ng dalawang maliit na portable lamp pero malakas naman 'yung liwanag niya kahit gaano pa kadilim sa loob. Iniwan ko muna si Daniel doon at sinisilip-silip 'yung lagusan. Hindi niya man lang naisip na magdala ng flashlight. Excited kasi masyado. Hay nako.

PAGBALIK KO, inabot ko sa kanya 'yung isang lamp. Tinitigan niya pa ako na parang nagtataka. Boy scout yata 'to--este girl scout. Binelatan ko nga siya pero nginitian lang ako. "Thanks Wifey, maaasahan ka talaga," sabi niya sabay wink. Lokong 'to. Wifey nanaman tawag sa'kin.

"Whatever Unggs, tara na sa loob," suhestiyon ko. Nag-aalangan naman siya at hindi mapakali. Dyusko. Kailangang ako pa ba ang mauna? Dakilang duwag talaga 'to. Pinigilan ko na lang 'yung tawa ko at tinulak siya ng mahina.

"Tara na!" Nauna akong pumasok pababa, medyo masikip pero okay naman kasi na-semento 'yung hagdan na kasalukuyang binababaan ko. Mahaba siya at hindi ko pa makita 'yung dulo. Sumusunod naman si Daniel sa likod ko, nakakapit pa sa may balikat ko. 'Yung totoo? Ako ba ang lalaki dito? Dyusme. Kulang na lang humagalpak ako sa tawa kaso 'wag na lang baka mapahiya pa siya.

 Naaaninag ko na 'yung dulo. Kita kong may pinto na naman. "DJ, may pinto ulit," sabi ko.

"Oo, nakikita ko rin. Bukas naman yata 'yan at hindi na kailangan ng susi," sagot niya.

Nakarating kami at agad kong pinihit 'yung knob. Hindi nga nakalock. Napalunok ako at dahan-dahang binuksan 'yun. Wala naman sigurong multong manggugulat sa amin 'di ba? Wala naman kami sa isang horror movie 'di ba? Wala namang nakakatakot na nilalang sa loob 'di ba? Dyusko, nakakakaba naman 'to. 

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon