Capitulo Treinta: They're coming...

46.5K 584 87
                                    

CHAPTER 30

CHANDRIA/CARA'S POV

Napatulala lang si Unggs doon. Muntanga. Nagsialisan na yung mga taong nakikiusyoso. Kanina pa 'ko natatawa e, pinipigilan ko lang. Ganoon pala kiligin ang lalaki? O siya lang? Weird. Napablink siya ng tatlong beses at diretsong tumingin sa'kin. Napangiti siya, yung ngiting nakakatunaw, yung ngiting ang tagal kong hindi nakita. I was such a fool for hurting him pero bumabawi naman na ako. Gusto kong makabawi sa ilang buwan na hindi kami nagkasama. Yung tatlong buwan na nagdurusa kaming dalawa na parang mas matagal pa sa tatlong taon o higit pa. Grabe 'no?

"BKILYTF. Babs ko, I love you too, forever," he said while smiling.

He was about to kiss me but...

"Hoy. Tama na landian.  Yung dalawang bwisit niyong anak nasan na?" singit na tanong ni Jale.

Nanlaki naman yung mata naming dalawa at sabay na napatingin sa may playground. WALA! Saan pumunta yung dalawa?! Bigla kaming nataranta, pati sina Julia. Si Jale, nagskateboard paalis. Biatch Queen talaga yun. Walang pakialam. Kalurky. Pati yung girlfriend ng kuya niya nagwalk-out din. Parang walang nangyari. Tsk.

Paulit-ulit naming sinisigaw yung pangalan nila. Sobrang nag-aalala na si Dani--este Zander. Hindi mapakali. Takbo dito, takbo doon. Sigaw dito, sigaw doon. Mag-aalas dose na ng tanghali. May practice pa kami mamayang hapon. Tsk. Gutom na yung mga yun panigurado. Bakit kasi hindi namin namalayan? Enebenemen. Kasalanan ko 'to e. Kastress! Dyusme.

Paikot-ikot na kami. Nalibot na yata namin yung buong park. Saan bang lupalop napadpad yung dalawang bulilit na yun? Ay nako. Nagugutom na rin ako. Hindi naman ako kinakabahan e, kaya siguro okay lang sila. "Cara, wala talaga. Tumawag na lang tayo ng pulis. Kain na muna kayo, bawal magutom. Tara. Mahahanap rin natin sila."

Napatango lang ako, pati na rin si Juls. Pumunta kami sa may fast food chain malapit sa park, sa may Jollibee. Pagpasok na pagpasok pa lang namin...

"Mommy! Daddy! Heehee!"

"Umma! Appa! Teehee!"

Ay leshe! Nandito lang pala sila?! Tumakbo sila sa'min, ang dungis pa. Puro spaghetti yung bibig. Tsk. May kasunod silang babae na lumapit din sa amin. "Uhm, are you their parents or relatives? Sorry for taking them and for making you worry guys. Wala kasi silang kasama kanina. Sorry talaga. Ang cute kasi nila e. I'm Belle nga pala. Sorry talaga."

Ngumiti na lang ako. "Okay lang," sabi ko.

"Anong okay lang?! Nalibot nga natin yung buong park kakahanap tapos okay lang Chand--I mean Cara?! Are you kidding me?!" Highblood talaga 'tong si Juls. "I agree with Julia," sabi din ni Daniel na ang sama ng tingin. Tsk. Napayuko tuloy si Belle.

"Sorry talaga," sabi niya ulit. Bigla namang tumakbo sina Liit at Kaycee sa kanya tapos hinug siya sa may paa. 

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon