Capitulo Treinta y Ocho: It hurts

33.7K 589 108
                                    

[Play the song sa gilid po kung gusto while reading. :)-->]

CHAPTER 38

TWO years have passed. Heto ako ngayon, tulalang nakaupo sa may front porch sa bahay ng lola ni Daniel. Pagod na akong umiyak, wala naman akong mapapala. Pero... hindi ako mapapagod na maghintay. Nakadikit pa rin sa pintuan ng bahay 'yung note na nakita ko one year ago. Naging dirty white na 'yung dating sobrang puting papel. Hindi ko 'yun inalis at hindi ko kailanman ginalaw. Pinanghahawakan ko pa rin 'yung mga katagang nakasulat doon at umaasang matutupad balang araw.

Hindi ko nakita si Daniel. Hindi ko siya naabutan. Hinanap ko siya...sila ni Liit. Pero... wala. Wala akong napala. Malinaw ko pang naaalala lahat nang nangyari ng araw na 'yon. Napapikit ako...

                                                                                    ***

 "Vaughn! Bilis!" sigaw ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nakasakay sa motorsiklo niya.

"Pinakamabilis na 'to! Lagot ako kay Master Zander 'pag naaksidente tayo! Kapit nang mabuti!" sigaw niya pabalik. Kahit na sinabi niya 'yun, mas pinaandar naman niya nang mabilis 'tong sinasakyan namin. Grabe 'yung hangin, nakakatakot. Mas napakapit tuloy ako sa kanya.

Agad naman kaming nakarating sa airport sa sobra niyang bilis magpatakbo. May mga police lines dito sa labas ng airport. May nangyari ba? Hindi kasi kami updated sa news. Well, wala naman kasi akong paki sa mga balita, mapa-TV man o diyaryo kaya hindi ko alam.

Dire-diretso kami sa loob ng airport ni Vaughn. Sinabi ni Anica na kahapon pa umalis sina Zander kaya ang tanging choice namin ay magtanong, magtanong kung saang bansa siya pumunta.

Buti na lang, kakilala ko 'yung isa sa mga staff dito sa airport na may mataas na posisyon. Tinulungan niya kami. I asked a favor na ma-access yung system nila at sinamahan niya ako sa opisina nila. "Sir, pakihanap po kung may Zander Ford at David James Ford na lumabas ng bansa kahapon. Kung hindi po kahapon, ngayon po," pakiusap ko doon sa isang staff na may access sa database nila.

Nagmamasid lang kami ni Vaughn. Nagtype 'yung staff at sinearch 'yung mga pangalan nila. Hinanap niya sa dalawang petsa, kahapon at ngayon. Napangalumbaba ako.

'0 search results'

Napailing 'yung staff. "Sigurado ba kayo dito, Ma'am, Sir? Sigurado ba kayong umalis sila ng bansa?" tanong niya sa amin ni Vaughn.

Tumango ako at ngumiti nang pilit. Gusto nang tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko lang. May pag-asa pa, hindi siya pwedeng umalis ng walang paalam. Nangako na kami sa isa't-isa na hindi na maghihiwalay ulit...pero, bakit ganito? Umalis ba talaga siya?

"Sir, last na po. Pakihanap ang pangalang Daniel Padilla at David James Padilla. Please po," pakiusap ko ulit sa kanya.

Nginitian naman ako ni Kuya at nagsimula ulit na magtype. Napapikit pa ako at nagdasal na sana makita niya. Pagmulat ng mata ko, bumagsak 'yung balikat ko at ramdam kong gusto ko na talagang maiyak.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon