Capitulo Doce: Magtanim ay 'di biro

62.6K 551 51
                                    

Chapter 12

JULIETTE'S POV

"Ano na bespren na maganda! Anong plano dun sa project natin ire?"

 

"Emil, ano ka ba! Agad-agad? February pa kaya yun. November pa lang po ginoong gwapo. Madami pang oras para diyan."

"Tss. Bakit kasi iba pa naging kapartner ko dun? Kainis si Prof. Sino na nga kasi yun? JC ba? Hindi ko nga kilala." singit ni Drew na halatang badtrip.

"Bleh! Buti nga sa'yo panget!" sabi ko sa kanya sabay binelatan. Sinamaan tuloy ako ng tingin.

"Whatever Letlet panget. May 'love week love week' pa kasing nalalaman. Psh."

Okay nga eh. Excited naman ako kahit next year pa yun. Masaya siguro yun. Hindi ko pa kasi nasusubukan eh. Hayy..

At saka, bakit kaya wala pa rin siya? Hindi pa rin siya pumapasok, hindi ko rin nakikita kahit saang sulok dito sa campus. Nalibot ko na nga yata lahat ng pwedeng mapuntahan.

Pati na rin si Mis--Cara, wala rin. Lagi ko naman kasi silang nakikita pero ngayon ni anino nila, wala.

Nasaan na kaya sila?

Hindi kaya..

Magkasama sila?

VAUGHN LESTER'S POV

Bwisit. Mapapatay ko may gawa nito. Shit niya. Makapagpatunog ng sound effects na nakakatakot, wagas. Tumitiling babae, nakakapangilabot na tugtog, static na parang may bumubulong at kung anu-ano pang panakot na tunog. Walanghiya. Imposible naman yung nurse yung may kagagawan nito. Hindi niya naman siguro alam na narinig ko siya. Kainis. Leche. Nag-aalala lang naman ako dito sa kasama ko.

"Uy Jale. Huwag kang matakot. Nandito lang ako." sabi ko.

Napahawak ako sa balikat niya. Bigla akong nagulat,  nanginginig siya. Hala. Eh ang bastos naman siguro kung bigla ko siyang yakapin 'di ba? Hindi naman kami close. Tinanggal ko nalang yung jacket ko at binalabal sa kanya. Hindi naman siya umiimik, tahimik lang na nakatingin sa kawalan habang yakap yakap pa rin yung skateboard niya.

"Jale. May phone ka?" tanong ko. 

Nanginginig na inabot niya yung cell phone niya sakin na hindi man lang ako tinignan, basta linahad niya na lang yun sa harap ko.

Kinuha ko naman syempre. Pero..

Ay leche! Made in Korea yata 'tong phone niya. Hindi ko masyadong maintindihan. English-Korean yung characters sa keypad. Woo. Buti na lang, atleast may English.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon