Capitulo Cuarenta y Cinco: TP2

23.7K 614 157
                                    

CHAPTER 45

"Bernardo?" tanong ni Daniel at titig na titig sa akin.

Napakibit ako ng balikat. "Hindi ko rin alam, Daniel." 

Napailing na lang siya. "Baka alam nina Lola. Nevermind that, saka na natin problemahin. Basta kahit anong mangyari, o kahit ano pang malaman natin, wala pa ring magbabago okay? Wifey? Miss Bernardo, soon to be Padilla, is it a promise?" sabi niya sabay ngiti. Tinaas niya pa 'yung pinky finger niya.

Naku! Naku! Nakakarami na talaga siya sa wifey niya. Saka ano raw? Soon to be P-Padilla? Leshe, pulang-pula na ako dito. Sana hindi niya mapansin. Ang daming alam ng unggoy na 'to. Hindi tuloy ako makatitig sa kanya ng diretso. Kainis! Tinaas ko na lang 'yung pinky ko din at nagpinky promise kaming dalawa.

"I promise," medyo nahihiya kong sabi. Bata lang ang peg e. 

Ngumiti naman siya nang pagkatamis-tamis at ginulo 'yung buhok ko. Inirapan ko nga at binelatan. Ginagawa akong bata. PInisil niya naman bigla 'yung magkabilang pisngi ko na parang nanggigigil. "Ang cute cute mo Wifey! Huwag kang masyadong magpacute at baka hindi ako makapagpigil magkaro'n pa tayo ng Baby DJ."

Parang tumaas lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko nang marinig ko 'yung sinabi niya. A-Ano raw? Baby?! Nagha-hyperventilate na ako rito. Dyusme. Hindi pa nga kasal, baby agad? Hoo!

Kalma Chands! Kalma!

Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Daniel. "Hay nako Babs, huwag kang green. Namumula ka na diyan o," mapang-asar niyang sabi at biglang humagalpak ng tawa. Tawa nang tawa 'yung walang hiyang unggoy.

"Bwisit kang unggoy ka!" Paulit-ulit ko siyang hinampas.

"A-Aw! Hahahaha! Aray! Hahahaha--Aw! Sorry na--Aray! Hahaha. Joke lang talaga wifey! Aw! Brutal! Sorry na po--A-Aray!" 

Napaupo na kami sa sahig at hingal na hingal na nang huminto. Wala kaming pake kahit marumihan kami kasi kanina pa naman kami marungis noong hinukay namin 'yung lagusan papunta rito.

 Umakbay siya sa akin at napabuntunghininga. "Tara na?"


I nodded in response. Nauna siyang tumayo at inabot 'yung kamay niya sa akin. Napangiti ako at inabot ko naman 'yun. He helped me stand up. Hinawakan niya 'yung kamay ko at holding hands while walking nanaman ang peg namin. Naglakad na kami paalis at umakyat sa hagdan na binabaan namin kanina. Nauuna siya ngayon.

Nang makalabas na kami, tuloy tuloy lang siya habanghinihila ako. Saan na naman ako dadalhin nito?

Nagulat ako nang bigla kaming huminto malapit doon sa bangin, as in sa pinakagilid. Sa eksaktong lugar kung saan niya ako dinala dati. Napalunok ako at napakapit kay Daniel. Kahit nakapunta na kami rito dati ay nanginginig pa rin ako. Pinagpawisan bigla 'yung mga kamay ko. I was afraid of heights, and I still am.

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now