Capitulo Diecisiete: Hide-and-Seek

59.4K 580 70
                                    

A/N: Sa mga handlers, sorry kung missing in action yung mga characters na hinahandle niyo. Pagbalik nalang nila sa school. ;)

CHAPTER 17

VAUGHN LESTER'S POV

"WALA KAYONG SILBI! MGA INUTIL! NAHANAP NIYO NA NGA TAPOS NAWALA NANAMAN SA PANINGIN NIYO?! ANG TATANGA NIYO! LUMAYAS KAYO SA HARAPAN KO!--

"P-Pero.. k-kasi p-po--

"WALANG PERO PERO! 'WAG KAYONG BABALIK HANGGANG HINDI NIYO SIYA NAKIKITA! HALA SIGE LAYAS!"

Grabe. Sinundan ko lang naman yung mga tauhan niya at nagtago. Hindi naman nila ako napansin, mga tanga nga talaga.

Obssessed na obssessed rin talaga yung demonyong nurse Kaylee na yun kay pareng Daniel. Shet niya. Ang galing magpanggap na mabait. At saka, ibang-iba siya manamit kapag wala sa akademya. Nakaleather shorts, red high heels at saka black tank top. Kitang-kita rin yung black rose niyang tattoo sa may hita. She looks like a slut. The hell.

Nandito pala ako sa isang liblib na lugar. May hideout sila dito na parang isang maliit na basement ang itsura. Hindi napapansin kasi natatakpan ng mga matatayog na halaman at malalaking puno. Hindi rin halata kasi tagong-tago ito.

Ang baho dito sa loob, amoy kalawang. Ang daming nakakalat na mga tali, kutsilyo, sirang baril at iba pang mga kasindak-sindak na bagay. Nakakatakot! Bwiset.

Ako nalang pala naiwang mag-isa dito. Nakaalis na silang lahat. Kailangang malaman 'to ni Daniel.

Pero, hindi ko muna sasabihin hanggang hindi ko pa natutunton si Chandria. Kailangan ko munang humanap ng lead. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.

Hay nako, makaalis na nga muna. Kinikilabutan ako dito. Para akong nasa isang torture room.

Iniisip ko kasi, kung ganoon kademonya yung nurse na yun, posible kayang..

Buhay pa ba si Chandria?

O pinatay na niya?

Shit.

KYLE ANGELO'S POV

"Heeheeheehee!"

"Teeheeheehee!"

Naririnig kong naghahagikgikan yung dalawa. Naglalaro kasi kami ng tagu-taguan. Nagtatago nga sila, obvious naman dahil ang ingay din nila. Tsk tsk. Poor babies. Nasa loob pa rin pala kami ng rest house. Ayaw nilang lumabas eh. Kain at laro all day ang gusto. Mainit daw sa beach. Nagsawa na sila.

"Nandiyan na 'koooo!" malumanay kong sabi.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon