Capitulo Cuarenta y Uno: For Real

31.5K 705 225
                                    

CHAPTER 41

MABILIS akong nakarating dito sa bahay nina Daniel dati. Dire-diretso ako sa loob dahil hindi naman naka-lock. Pinihit ko pabukas 'yung pinto at ini-on 'yung switch ng ilaw. Ganoon pa rin 'yung ayos ng bahay. Nakatakip pa rin ng mga puting tela 'yung mga furnitures. Parang wala namang tao dito sa loob.

"Hello?" tanong ko sa kawalan. Nag-e-echo lang 'yung boses ko sa malaki nilang bahay.

"Daniel!" sigaw ko. Ang tahimik pa rin. Ako ba'y linoloko ng lalaking 'yun?

"Zander!" sigaw ko ulit.

Wala talagang tao. Nagsimula akong maglakad paakyat sa second floor. Puro mga bedrooms naman dito. Chineck ko pa 'yung mga kwarto. Pumasok ako sa kwarto dati ni Daniel, linilibot ko lang ng tingin. Ganoon pa din ang itsura. Napatingin ako sa may bandang kama niya. Huh?

Lumuhod ako para makita kung ano 'yon. Inabot ko. Nakuha ko 'yung stuff toy na binigay dati ni Daniel. 'Yung pinalitan ko dati 'yung nakarecord, si Baby Unggs. Naintindihan niya kaya 'to? Pinindot ko 'yung play button.

"Tahimik Unggoy Love Ulan Nurse Gubat Alam Ngayon May Ospital Akin Ka Okay. Baboy Ako Babay Alis Lang Ikaw Kaya Ang Kulang Only."

"T-U-L-U-N-G-A-N-M-O-A-K-O-B-A-B-A-L-I-K-A-K-O."

Napangiti ako at napailing, ang weirdo ko talaga dati. Pero wala na 'yun. Miss Kaylee changed. She's now an average student named Anica, kaibigan na namin siya. Last year na niya sa college ngayon. As for Zharm naman, low profile na 'yun. Hindi na namin siya nakikita pero ang alam ko tumino naman na 'yung babaeng 'yun. May clothing line na sila at malapit na yata siyang ikasal, nanonood na ako ng mga news ngayon e. Kailangan sa trabaho, dapat updated.

Yinakap ko si Baby Unggs at iniwan sa ibabaw ng kama. Tumayo na ulit ako at lumabas ng kwarto. Nandito ulit ako sa hallway, ang lawak kasi. Nandito kaya talaga 'yung unggoy na 'yun? Linoloko yata ak--

"Aaah!" Napasigaw ako sa gulat nang biglang nawalan ng ilaw. Nawalan ng kuryente?

"Waaaaaaaaah!" May narinig din akong sigaw ng lalaki na kasabay ko at halatang tumatakbo, rinig na rinig kasi 'yung footsteps niya. Hindi ko alam kung dito sa floor na 'to o sa taas e, nag-e-echo kasi. Hindi ko rin alam kung matatawa ako o matatakot sa narinig ko. Multo ba 'yun o tao? Ewan, hindi naman ako kinakabahan.

Wala talaga akong makita, as in pitch black. Nakahawak na nga lang ako sa may dingding e, baka bigla kasi akong madapa. Ilalabas ko na sana 'yung phone ko para pang-ilaw nang biglang--

Boogsh!

"Aaaah!"

Napahiga ako sa sahig nang may biglang bumangga sa akin. 'Yung sumisigaw na parang babae kanina kaso lalaki naman. Natumba kaming dalawa pero nakapatong ako sa kanya. Nakayakap pa nga e. Ramdam kong hingal na hingal siya. Kahiya, shete. Sino ba 'to? Linabas ko 'yung phone ko at inilawan ko 'yung pagmumukha niya.

Imbes na magulat ako ay...pfft. "Duwag! Hahahahahahaha!" Napatawa na ako kahit nashock ako. 'Yung itsura kasi niya mukhang ano! Muntanga! "Hahahaha!" Napatingin na siya sa akin. Sinamaan ako ng tingin. Shete, ang gwapo. Kaso natatawa talaga ako.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon