Capitulo Cuarenta y Siete: Take a Chance

20.9K 621 169
                                    

CHAPTER 47

 

"Baby, hurry up!" sigaw sa akin ni Mommy mula sa sala. Her name is Angel kung hindi niyo pa alam and my Dad is Echo. As far as I know, no one knows their name in the business industry. Kami lang ni Kuya Merck 'yung kilala nila sa mga Buenaventura's. Yes, Buenaventura. Hindi 'yung talagang kilala kasi they know me as 'Scarlet' or 'Cara', not my real name. My brother's real name is Mark Samuel, not Merck Sam. Masyadong obvious pumili ng screen name 'no?

"Yes Ma!" sigaw ko pabalik.

Kasalukuyan akong narito sa kwarto ko, dito sa harap ng salamin at nag-aayos pa. Nagmamadali na kasi sila dahil 8 pm 'yung usapan na oras para sa dinner appointment. Pero duh? 6 pm pa lang kaya. OA ni Mommy, si Dad nauna na yata. 

Don't get me wrong, gusto ko lang ma-meet 'yung family ng magiging fiance ko 'raw' pero sasabihin ko rin naman sa kanila 'yung tungkol sa amin ni Daniel. Mapahiya na kung mapahiya, palayasin man ako ng pamilya ko, itakwil man nila ako, wala akong pake. Basta ang sa akin lang naman, gusto kong makasal sa taong mahal ko.

Pero, nagtatampo pa rin ako kay Daniel. Umalis na lang ako kahapon doon ng walang paalam. I just texted him and went away on my own.

'Uuwi muna ako. My parents arrived. I'll be gone for a while. Bye.'

That's it. No smileys or whatever na kasweetan. Bahala siyang makaramdam, saka alam kong napulot niya 'yung phone niya kasi he texted back a few hours after. Tinatanong kung nasaan na ako at may sasabihin raw na importante. I didn't reply. I got 86 messages and 54 missed calls from him. I didn't even bother to see it.

You're so scared to fall in love. 'Cause you end up in the dust. Everytime, everytime... 

My heart skipped a beat when I saw his name pop up on the screen of my phone. He's calling again. Gusto kong sagutin pero ayaw kong sagutin. Naiintindihan niyo ba 'yung feeling na 'yun? Gulo ko 'no?

Papalit-palit pa ako ng caller ringtone 'no? Ganyan talaga. Depende sa mood. Napailing na lang ako. I just pressed 'decline' again. Ini-off ko na 'yung phone ko. If he wants to talk to me, hanapin niya ako. Leche siya. Malaman ko lang talagang nambababae 'yun... ewan ko na lang kung anong magawa ko.

Pailing-iling na lang akong naglakad sabay abot ng hand purse ko.

"Miss Kathryn Chandria! Hurry up!"

 

"Coming Mom!" sigaw ko.

Atat e. Dali-dali akong bumaba ng hagdan. I saw Jale and Kaycee sitting there at the sofa at nanonood lang ng TV. May mga sariling mundo. Hindi nila kami pinansin hanggang sa makalabas na kami ng bahay kung saan naghihintay ‘yung kotse.

WE ARRIVED at the restaurant, medyo maraming tao at ‘yung may reservations lang ang pwedeng pumasok. Halatang puro mayayaman ‘yung nandirito. Pagpasok na pagpasok pa lang namin, I immediately saw Dad sitting there. Medyo nasa dulo ‘yung table nila. Kaharap niya ‘yung pamilyang imi-meet namin pero hindi ko makita kung sino ‘yung mga ‘yun dahil likod lang nila nakikita ko.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon