SC 1: Kyle Christian Angelo "Cinco" Bernardo

18.3K 478 78
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

**CHANDRIA**

 "Babs, lika na. Kupad naman o, slowpoke ka pa rin hanggang ngayon. Baka iwanan na tayo ng eroplano," sabi ni Danel. Atat e.

"Wait lang Unggs. Atat neto. Chill. Kalma. Hindi pa naman boarding o," sagot ko.

Nandito kasi kami sa may airport at kumakain pa ako. Kagutom kaya. E kanina niya pa 'ko pinipilit na pumunta na kami sa may waiting area, ang kulit. Excited lang 'yan sa honeymoon getaway namin kaya ganyan e.

"Ang takaw kasi! Tara na Chands! Wifey! Babs! Honey! Baby! Let's make some babies--este joke lang.  'Lika na kasi!" pamimilit niya. Humawak pa siya sa kamay ko, parang nakuryente tuloy ako sa ginawa niya.
 

At dahil namula rin naman ako sa sinabi niya, medyo nawalan na ako ng ganang kumain. Nangangamatis na nga yata 'yung pagmumukha ko kaya napayuko ako at umiwas ng tingin. Muntik na rin akong mabulunan nu'ng sinabi niyang 'let's make some babies'. Lesheng unggoy na 'to. Ang daming alam na kalokohan. Pero kinakabahan ako na nahihiya na ninenerbiyos na excited na a, basta, basta, basta... basta 'yun. Ganito pala feeling ng bagong kasal, tapos first honeymoon niyo pa. Nakakaloka.

Tahimik na lang akong tumayo at hindi umiimik. Tumayo na rin si Daniel habang hawak-hawak 'yung kamay ko. Holding hands while walking kami, nakaintertwine. Hindi rin siya nagsasalita at pasipol-sipol lang. Naglakad na kami papasok sa loob. Tamang-tama at paalis na 'yung eroplano, nagboboard na sila ng mga pasahero.

Nakapasok na kami sa loob at siyempre, nasa first class seat kami. We're on our way to Paris, the city of love. Excited na talaga ako! Matagal ko nang gustong pumunta ro'n e kaya pinagbigyan niya ako.

"Ngiting-ngiti ka naman Babs, 'wag masyadong excited," sabi ng epal na unggoy sabay kindat. Taas baba pa 'yung kilay niya at nakangisi. May iniisip na namang masama. Ay bastos na 'to.

"Manyak ka! Manyak!" sigaw ko habang paulit-ulit siyang hinahampas.

"Aray! Hahaha! Aw! Joke lang Hone--aray! Wifey naman! Haha. Saka mo na ko bugbugin pagdating natin do'n. Bugbugin ng halik!" sabi niya. Makatawa, wagas e.

"Bastos! Manyak! 'Wag ka nga Unggs! Behave." Ang gago po niya, hiyang-hiya na ako dito. Actually kami lang 'yung nandito sa may first class area, binayaran kasi ni Daniel lahat ng seats na available para wala raw istorbo sabi niya. Nagsasayang ng pera 'no? Sinaway ko nga kaso pasaway pa rin. Gusto niya raw akong masolo. Kainis na lalaki, ang daming alam. This is gonna be a long ride. 2 days pa bago kami makarating. Buti na lang may mga stop overs.

"Ang ganda mo kasi Chandy!" sabi niyang naggigigil at hinalikan akong bigla sa may cheeks. Loko, chansing e.

"DJ! Huwag makulit!" suway ko. Paulit-ulit kasi na nagnanakaw ng halik sa may cheeks ko, ang adik. Ayaw tumigil. Buti na lang walang tao kasi pulang-pula na ako dito. Ang harot ni Daniel! Nakayakap pa nga at linalayo ko siya kaso masyado siyang malakas. Ayaw paawat.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon