Capitulo Cinco: Music Room

71.5K 678 180
                                    

Chapter 5

 

SCARLET’S POV

Nahanap na namin yung pinsan ni Cade. Alam niyo kung saan?

Sa ICE CREAM SHOP lang naman.

“Shenkyu shwa ayshw kwim ashe!” sabi nung pinsan niyang si Krisha na kasalukuyang kumakain ng ice cream kaya ganyan magsalita. She’s very pretty. ‘Wag lang sanang maturn-off yung mga lalake sa sobrang katakawan niya sa ice cream. Tsk. Tsk.

“Oo nga Miss Shuwnget! Shawamat beshpren! Wabyu!” sabi naman ni Cade na kumakain din ng ice cream. Gwapo sana, weirdo naman. Tsk. Saka ano daw? Bestfriend? Weirdo talaga.

Nakakastress silang dalawa. Dyusme. Nakasampung cones na ata sila ng ice cream. Langyang magpinsan ‘to. Kami nga ni Julia, isa lang, okay na. Eh sila? Kaya pa atang umubos ng isa pang gallon lalo na si Cade. Grabe lang.

Pwede ko nang tawaging PG KING si Cade—ay este ICE CREAM KING nalang pala. Hindi ko pa naman alam kung patay gutom nga talaga siya. Yung pinsan niyang si Krisha, Ice Cream Princess naman. Magpinsang matakaw sa ice cream. Susko. Mauubos pera ko kakabili ng ice cream. Dejoke lang.

At yung isa namang katabi ko dito, malapit ko nang mabatukan.

Sino pa nga ba? Si Bes! Si JULS!

Kulang nalang matunaw na si Cade sa titig niya. Tsk. Tinamaan na nga talaga. Kaso napapansin ko, yung lalaking kinababaliwan niya, sakin naman yata nakatingin. Naku po. Hindi pwede ito. Assuming lang siguro ako. Oo tama tama. Hindi sakin nakatingin si Cade. Wala siyang gusto sakin. Hindi pwede.

“Hoy Juls! Yung mata mo, malapit ko nang dukutin. Crush mo si Cade ‘no?” bulong ko kay Juliababes na halatang nagulat tapos tumingin sa akin na parang natataranta na ewan.

“H-Hoy Bes! H-Hindi kaya. Sungit sungit niyan eh. Che!” nauutal niyang sabi.

“Sus! Indenial queen. Kilala kita Bes. Hindi ka makakapagsinungaling sakin.” Sabi ko naman sa kanya.

 

 

“Aish. Oo na. I’m inLIKE with him. Okay na? Like palang ha? Hindi love. Psh.” sungit talaga ng babaeng ‘to pero labs na labs ko yan kahit ga’no pa siya kasungit at kahit gaano man kataray.

 

 

“Edi inamin mo rin. Deny deny pang nalalaman eh.” sabi ko sa kanya.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon