Capitulo Veintiuno: Everywhere Everything

57.8K 643 132
                                    

CHAPTER 21

 

ZANDER'S POV

 

"I'm just following orders Slowpoke. Dream on," I said after a moment.

Pero sa loob-loob ko. Sh-t! What was that? It was the same feeling when I kissed Chandria before. F-ck.

Yeah, sa lips. Those damn soft lips...

Sa totoo lang, pwede ko namang suwayin si Jale kung gusto ko kaso parang ayaw makinig ng katawan ko sa'kin. Ayaw tumanggi. Nakakagago.

Parang... parang...

Parang nagkakagusto na yata ako sa kanya, kay Cara. Hindi pwede 'to! Sakit sa ulo. Bwiset na pagong na yan. Ayaw umalis sa utak ko.

Tinanggal ko nalang yung Gorilla Costume ko at iniwan muna si liit sa kanila.

Kilala nila ako kaya walang pumigil sa'kin. Naiwan namang tulala dun si Pagong. Ang slow talaga magprocess ng utak. Utak Pagong. Tch.

Lumabas ako ng cafeteria para magpahangin.

Nakita ko naman na nakatayo si Miss Kaylee sa harap ng clinic.

Nginitian ko na lang siya at naglakad papuntang garden sa likod ng academy.

Ang tagal ko na palang hindi nakakadalaw sa clinic. Ewan ko ba, medyo naweiweirduhan kasi ako minsan sa kanya. I have this gut feeling about her but I don't know what. It's weird. Kaya iwas iwas din 'pag may time.

Umakyat ako sa isang malaking puno at humiga sa taas. Paborito kong tambayan 'to dati, namiss ko lang. Tumitig ako saglit sa asul na kalangitan at napabuga ng hangin.

Napangiti ako at pumikit.

Nakakarelax.

Sana lagi nalang ganito, walang pinoproblema.

***

SCARLET'S POV

It's Sunday. Ngayon na yung gig nila Zander sa Vampire's Den. Hindi yan lungga ng mga bampira ha, yan yung pangalan nung club na tutugtugan nila. Weird nga nung pangalan eh.

4 pm na pero 6 pm pa naman magsisimula yun. Nasa bahay pa kami pero nakaayos na ako, pati na rin si Jale. Nagsuot lang ako ng isang simpleng dress at wedge. Nakalugay din yung buhok ko at may curls sa dulo. Naglagay rin ako ng light make-up sa mukha para okay tignan siyempre at bagay sa damit. Si Jale naman, kanina pa nakabihis yan. Laging nagseskateboard eh. Nakamaong shorts siya, hoody, saka sneakers. Nakasuot din siya ng bonnet. Pero 'wag kayo, she still looks very pretty. Siyempre naman, pinsan ko yan eh. Nasa lahi namin  ang magaganda.

Ayun, nandun nanaman siya sa labas, sa may front lawn. Linalaro ulit yung skateboard niya. Pupuntahan ko sana siya pero bigla akong tinawag ni Kuya Xavier.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon