Capitulo Cuarenta y Dos: Daddy?

30.1K 662 165
                                    

[Hi! Play the vid while reading if you like po-->]

CHAPTER 42

 

"Will you marry me? For real?"

And that made my heart beat even faster. Nabitawan ko nga 'yung roses at nahulog sa sahig sa sobrang pagkashock. Pati 'yung tatlong pink balloons, lumipad na kasi nabitawan ko rin. I was in total shock. Hindi ko ine-expect na magpopropose siya ngayon. Napatakip na ako sa mukha ko. Ayoko kasing makita niya akong umiiyak. Nakaluhod pa rin siya doon at nakangiting nakatingala sa akin, hinihintay 'yung sagot ko. No words can express how I'm feeling right now. Umiiyak ako habang nakangiti, para akong tanga.

Naramdaman ko na lang na may humihila sa laylayan ng dress ko. "Umma, just say yes already!"

Napatingin ako at si Kaycee pala, bigla naman siyang tumakbo pagkasabi nu'n. Nakita ko si Liit sa 'di kalayuan kasama nu'ng mga kasabwat nitong unggoy na nakaluhod sa harap ko sa direksiyon na tinakbuhan ni Kaycee. Lahat sila nanonood at nagthumbs up noong napatingin ako sa kanila.

"Huwag nang patumpik-tumpik pa!" sigaw ni Ethan sa akin.

"Yes na 'yan!" sigaw naman ng walanghiya kong best friend na si Julia.

"Sunggab na!" sigaw ni Kenjiro. Loko.

Sabay-sabay silang lahat na sumisigaw ng 'YES' nang paulit-ulit. Pinunasan ko 'yung luha ko at ngumiti sa kanila. Humarap ulit ako kay Daniel. Yumuko ako at napaluhod na rin. Yinakap ko siya at linapit 'yung bibig ko malapit sa tainga niya.

"Yes Daniel...Yes," bulong ko.

Nagulat ako nang bigla niya na lang akong binuhat at tumayo. "Woohooo! Yes! Yes! Yes!" sigaw niya habang tumatalon. Ang saya-saya niya. Para siyang nanalo sa lotto. Tinanggal niya 'yung singsing na nasa may ring finger ko sa left hand at pinalit 'yung singsing na hawak niya. Pinaikot-ikot niya pa ako habang buhat-buhat. Hinalikan niya 'yung magkabilang pisngi ko nang pulit-ulit. Namurder na.

Binaba na niya ako at hinalikan sa noo. Yinakap niya ako at rinest 'yung ulo niya sa may balikat ko. Naramdaman kong umiiyak siya. 

"T-Thank you Babs. Thank you Chandria. Thank you Cara ng buhay ko. You don't know how happy I am right now. Saka sorry na din. Sorry for leaving you. Sorry kung hindi ako nagparamdam sa'yo for more than three years. But believe me, I was watching you. Nasa tabi mo lang ako palagi. I know all the things that you were doing. I knew you were in pain. Sorry kung wala ako noong mga panahong kailangan mo ako. Pero ngayon, nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako at hindi ka pa rin bumitaw. Thank you for loving a guy like me. You're a girl worth loving." 

He was in tears, what a cry baby. Pero leshe niya, nahawa tuloy ako sa kaniya. "And you're a guy worth loving," sagot ko rin habang maluha-luha ring nakayakap sa kanya. Nagflashback pa 'yung mga araw, buwan at taon na wala siya sa tabi ko. 'Yung mga panahong nakatulala akong mag-isa habang nakadungaw sa may bintana, 'yung mga panahong nakatingin ako sa langit habang nakaupo sa porch na mag-isa, 'yung mga panahong hindi ako makatulog kakaisip lang sa kanya. Napahagulgol din tuloy ako. Nabasa na ng luha ko 'yung damit niya.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon