Capitulo Treinta y Nueve: They're Alive

33.5K 550 111
                                    

CHAPTER 39

[Hi. Play the song while reading po if you want---> :)]

MORE THAN a year has passed again. Nakagraduate na ako at may sarili ng trabaho. I'm managing our company here in the Philippines. Busy pa rin ang parents ko at walang time sa amin pero hindi naman sila masama, kulang lang ng oras at pagmamahal. Kaso ayoko namang umalis ng bansa kahit pinipilit ako ni Mom at Dad na doon magtrabaho kasama nila, pero hindi under sa main company namin. Ayaw nila, they're hiding something from me. Ayaw namang magsalita ni Kuya Merck. May tinatago ba sila? Not unless... criminal ba sila? Hindi naman siguro. Pero may kinalaman 'yun sa apilyedo namin, sigurado ako.

I'm still known as Scarlet Buenaventura. We are known as the Buenaventura family, pati company name namin Buenaventura din. Ayaw nilang ipagsabi 'yung totoong apilyedo namin. Weird.

Nandito nga pala ako ngayon sa bahay nina Daniel dati, hindi sa bahay ng lola niya. 'Yung dating bahay nila na tinirhan namin nina Liit, sa bahay ng lolo niya. Sa loob ng isang taon na pumupunta ako dito, abandonado na. Walang bumibisita pero nalaman kong pagmamay-ari pa rin ng mga Padilla n'ung binalak kong bilhin.

Nandito ako sa secret library room na tinuro dati ni Daniel. Kasama ko 'yung mahiwaga kong laptop. Tulala lang ako habang nakatitig sa screen ng laptop ko. Tinutunaw ko ng tingin ang isang stolen shot ni Daniel na nakaside view pero nakangiti.

Hay... Bakit ang gwapo gwapo mo Daniel slash Zander slash Unggoy slash gwapong asawa ko?

Ginagawa ko 'to araw-araw, dito sa kwartong napapaligiran ng napakaraming mga libro habang pinapatugtog ang 'You Make Me Happy' na kinanta ko kay Daniel noon. Sa ganitong paraan, hindi ko siya namimiss at nakakangiti pa ako ng tunay. Atleast, parang kasama ko na rin siya. Nakasanayan ko na. 

And just when I thought it couldn't get any better. There you go and do it all again. Hope this feeling never ends...

'Cause you... You make me happy! You... You make me happy!

Napapahum pa ako habang tumutugtog 'yung kanta. Sa tatlong taon ko ngang paghihintay, malapit ko nang mabasa lahat ng libro dito sa library nilang malaki. Dito ako nagpapalipas ng oras. Dito ko inaalala lahat ng masasayang araw namin dati. Ritwal ko nang titigan 'yung pagmumukha niya araw-araw. At dito, dito ko hindi sinasadyang natagpuan 'yung diary ng lolo niya. Napagdugtong-dugtong ko na ang lahat nang nangyari mula sa diary ng lolo niya at sa mga kwento ng lola niya. Malungkot ang kwento ng buhay nila. Alam ko na kung sino si Daniel, 'yung buong katauhan niya na ang tagal tagal niya nang hinahanap.

Kaya hinihintay ko pa rin siya hanggang ngayon. I need to give him the diary para siya mismo ang bumasa. May susi pa sa dulo na para rin sa kanya. I salute her grandfather, ang dami niyang pinagdaanan.

Hindi naman na ako nalulungkot, wala akong mapapala. Life goes on. Ayoko namang magaya sa ibang babae na halos masiraan na ng bait at magpakamatay dahil biglang nawala 'yung lalaking mahal nila. How immature. Ang tanga naman nila 'pag gano'n.

Kapag may mahal ka, mahal mo rin dapat sarili mo. Huwag tanga.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon