Capitulo Treinta y Dos: Best Night Ever

43.2K 623 72
                                    

A/N: Sorry po sa napakalate na UD, may 1 week pa ko sa school pero medyo free na kaya ayan okay na, makakaUD na ulet. :D

Paalala: Yung contest po ah? Sali kayo. :*

Enjoy reading po! Labyu guys! <3 :*

--------------------------------------------------------------

CHAPTER 32

CHANDRIA/SCARLET'S POV

"Kaya anghel ng buhay ko, handa ka na bang lumipad sa pamamagitan ng mahika ng pagmamahal ko?"

And that made my heart skip a beat. Butterflies! Butterflies everywhere! Why do you make me feel this way Zand--I mean Daniel? You will and forever will be... Daniel, the only man I have loved, I love and  will love forever 'til the end of eternity.

Para akong nakalutang. Para akong nasa loob ng isang fairytale. Feeling ko lumilipad ako. Hindi ko maipaliwanag. Ano bang magic ang ginawa sa akin ni Zander?

"O? Napatulala ka pa diyan sa kagwapuhan ko! Tsk. Let's go slowpoke." Hinila niya ako at bigla siyang tumakbo. Nagulat tuloy ako at biglang napatakbo din. Pero teka--anong sabi niya? KAGWAPUHAN? Feeler na lalakeng 'to. Napatigil kami nang biglang...

"Excuse me. Attention ladies and gentlemen, may I please call for Miss Cara. The stage is yours! Let's give her a round of applause everyone!"

Muntik na 'kong mapafacepalm. Muntik ko nang makalimutan yung gagawin ko nang dahil kay Unggoy na Zander. Buti hindi pa kami nakalabas ng gym. Napatingin naman ako sa kanya at nagtatakang nakatingin lang siya sa akin.

Bumitaw ako sa kamay niya at biglang tumakbo papuntang stage. I left him there hanging. Bahala siya sa buhay niya. Basta hindi na ako lumingon ulit dahil baka pigilan niya 'ko.

Nagdim ulit yung lights. Dire-diretso ako paakyat sa stage. Biglang may tumutok na spotlight sa'kin pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa stage. Medyo nasilaw pa nga ako.

Napatingin ako sa gilid at nakitang may acoustic guitar na nakalagay doon. Kinuha ko iyon at sinabit sa may balikat ko. Nagsimulang magbulungan yung mga tao.

"Weh? Alam niya palang kumanta?"

"Alam niya palang maggitara ang sabihin mo. Tsk."

"Woah! 'Di nga? Magaling ba siya kumanta?"

"Never heard her before. We'll see..."

"Sus... as if!"

Ah, oo nga pala. Hindi nila alam na kumakanta ako at marunong maggitara. Oh well papel, bahala na. Sorry na lang sa boses ko, 'wag sanang bumagyo. Dyusko.

"Settle down please!" sabi nung mabait at gwapong host. Napatahimik tuloy sila. Nganga sila dun sa host e. 

Ehem! Napalunok ako at napabuntong hininga ng isang beses. Saglit akong napayuko. Hoo! Kaya ko 'to! Hinga lang Chands. Hinga!

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon