Capitulo Treinta y Tres: Happy New Year!

39.9K 568 72
                                    

CHAPTER 33

"Hoy!"

"Ay anak ka ng! Jale naman e!" Nagulat kasi ako, bigla na lang sumigaw sa may tapat pa talaga ng tenga ko. Langya.

"Tss. Kanina pa kita tinatawag, tulala ka nanaman. Araw-araw na lang. Malala na yan. Magbabagong taon na, magbago ka na. Lagi kang nakakulong dito sa kwarto mo. Babo. Tch."

"Che!" bulyaw ko sa kanya. Kainis kasi yung unggoy na yun! Nakakamiss! Kanina pa nanggugulo sa isip ko! Oras-oras, minu-minuto! Aargh.

Nung gabi ng Grand Ball ko pa siya huling nakita. At alam niyo kung anong sabi niya pagkatapos nung best night ever? "See you next year!"

Leche niya! Huwag daw muna kaming magkita at bawal akong pumunta sa bahay nila. No communications daw. Aish! It's been ten years--I mean ten days for pete's sake! But it feels like ten effin years! Gad! Nagpapamiss lang ang peg? Pwes, effective! Bwisit na unggoy!

Wala sa sarili akong napahawak sa labi ko. Nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko, napasigaw ako at napasabunot sa buhok ko. Aargh! Fudge!

"Tsk. Baliw na," rinig kong sabi ng pinsan kong si Jale. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa lumabas na siya ng kwarto ko habang paulit-ulit na umiiling. Napasigaw ulit ako pero sa may unan ko na. Nakakafrustrate! Leshe.

"Beeeees!" May bigla nanamang pumasok habang sumisigaw sa kwarto sabay talon sa kama ko, si Juls. Namiss ko 'tong babaeng 'to a.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya at yinakap siya. "I miss you Bes," matamlay kong sabi.

Kumalas siya sa yakap at tinignan akong mabuti. Sinapo niya yung noo ko. "May sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo? Bakit para kang namumutla? Bakit hindi ka nakikihalubilo doon sa labas? Nagpaparty party sila a. Tignan mo nga yang itsura mo, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nakakatampo ka na a, ang dami mo nang hindi nakukwento sa'kin. Tapos tinangay ka pa ni Zander nung ball... bla bla bla..."

Ang ingay talaga nitong si Juls. Nakatulala lang tuloy ako at kunwaring nakikinig na lang sa kanya. Inabot ko yung baso ng tubig sa may bedside table ko. Uminom ako dahil nanunuyo na yung lalamunan ko. Habang umiinom ako, pinakikinggan ko na si Juls dahil medyo nahimasmasan na ako.

"Huy Chacha! Lutang! Ano na?! Anong nangyari sa inyo ni Zander noong tinangay ka niya? Teka--OMG! Huwag mong sabihing kaya ka ganyan dahil... BUNTIS KA?!"

"Prhmpft!" Naibuga ko tuloy yung iniinom kong tubig at muntik nang masamid habang nanlalaki yung mata. Buti na lang hindi sa pagmumukha niya e. Ubo tuloy ako nang ubo.

"OMG! OMG! Chands?! May nangyari ba sa inyo? Yung totoo?"

"W-Wala 'no," I said.

"Then why the hell are you blushing Miss Kathryn Chandria B--ugh. Scarlet Buenaventura? No secrets, remember? Tell me the truth, the whole truth and nothing but the truth."

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon