Capitulo Katorse: Parehong tanga

61K 582 82
                                    

A/N: UD muna kase namove yung deadline nung Protege. Hoho. Pero baka 'di ako maka-UD next week, busy ho. :3

HAPPY 100K READS PO! SALAMAT! LABYU GUYS! :*

Saka salamat dun sa gumawa nung fan art! Honggondo! *O* Si Miss Zeijah, 'di ko alam UN niya dito sa watty eh. Huehue. Multimedia sa gilid--->

-----------------------------------------------------------

CHAPTER 14

 

ZANDER'S POV

 

"H-HELP!" sigaw ni Cara at bigla nalang lumubog sa kailaliman ng tubig. Bigla akong nataranta, akala ko linoloko niya lang ako.

Sh-t. Is she drowning? Ah! This girl.. stupid, annoying and troublesome girl. Napailing na lang ako at nagdive sa ilalim ng tubig para sagipin siya. Binilisan kong lumangoy sapagkat palalim ng palalim yung paglubog niya. Langoy lang ako nang langoy sa abot ng aking makakaya. Nawawalan na rin ako ng hininga. Inipon ko lahat ng lakas ko upang mailigtas siya, nanlalabo na rin yung mga mata ko. And at last, I reached her hand. Mabilis kong hinila iyon at lumangoy pataas habang inaalalayan siya. Lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa makalutang kami pataas.

I started gasping for air, I was coughing continuously. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon at dali-daling pumunta sa gilid at inihiga siya sa may damuhan. Hindi siya humihinga, parang patay na ito at payapang natutulog lamang. Ilinapit ko ang tainga ko sa may bandang dibdib niya, pinakinggan ko kung tumitibok pa ang puso niya. It has a faint beat. But..

Damn. She's not breathing, I even checked her pulse. Sh-t this. I positioned both my hands in her chest, I'm gonna perform CPR. Pinikit ko muna ang mga mata ko at nagbilang ng tatlo. Napabuntong-hininga ako at sinimulan na ang first aid procedure na alam ko. Maingat ko 'tong ginawa ng paulit-ulit kaso wala pa ring epekto. 

She's still not breathing. What will I do? M-Mouth-to-mouth resuscitation?

Ah. F-ck. I have to do this. I have to save her. But, it's like I'm kissing her. Tch.

Sorry Chandria..

Okay, breathe in, breathe out! Hoo.1,2,3!

Unti-unti kong linapit yung mukha ko sa mukha niya. Using my two hands, I slowly opened her mouth and then pinched her nose. I took a deep breath, sealed my lips with hers and started exhaling.

Paulit-ulit ko yung ginawa at pinapakiramdaman siya hanggang sa..

"Uggh.. *cough* *cough *cough*

Ang dami niyang inubong tubig at sa wakas, humihinga na ulit siya nang normal, kaso wala pa siya sa sariling katinuan. Pinagmamasdan ko lang siya habang tuloy-tuloy na lumabas na yata lahat ng nainom niyang tubig.

"U-Unggs.."

Biglang nanlaki yung mata ko.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon