Capitulo Veintiocho: I Know

49.9K 623 87
                                    

A/N: Sorry po sa bad words, basta POV ni Jale. Maraming ganun. -_- Yung mga bata, wag gayahin. Thank you. :3

----------

CHAPTER 28

"GUYS! LOOK!"

"Oh my gosh. No way!"

"Unbelievable!" 

"Kyaaah! Bagay sila! Shet! Kilig!"

"Fafa Zander! Noooooo! Huhu. Yung puso koooo. BAKET? BAKET? BAKEEET!"

"Pareho pa sila ng singsing. Omaygad talaga!"

"Are they engaged? Fudge!"

"Ms. Scarlet and Mr. Ford! King and Queen of Ford Scarlet Academy! Yan! Sila ang bagay. Woohooooo!"

JALE'S POV

Kingina. Ang aga aga, ang ingay-ingay ng mga walanghiya. Mga OA masyado. Dapat pala hindi ako nakisabay sa Bitch at Retard na 'to. Wala kasi ako sa mood na magmotor ngayon. Tang-na. Tuesday na pala, hindi kami pumasok kahapon. Nakatambay lang dun kina Zander. Ewan ko kung anong nangyari sa dalawa. Magpakasal na kasi sila para tapos. Takte.

Agaw atensiyon kasi. Paanong hindi sila pagkakaguluhan e, pagbaba ng kotse magkaholding hands pa yung dalawa. Lecheng yan. Mga tanga. Babo. Tch.

Humiwalay na lang ako sa kanila nang hindi nila namamalayan at lumayo sa mga nakikiusyosong mga palaka. Dumaan ako sa likod kung saan hindi masyadong dinadaanan ng mga pesteng nilalang. Papunta 'to sa likod ng academy. Wala kasing tao doon, puro puno at mga halaman lang. Walang epal.

Pagdating ko, dumiretso ako sa pinakamalaking puno doon. Yun yung tambayan ko kapag ayaw kong pumasok sa klase. Katamad. Tss. Gurang pa naman yung instructor. Tsk.

Napailing na lang ako. Umupo ako doon sa may damuhan, sa lilim ng puno at tsaka sumandal. Kinuha ko yung IPod ko at sinuot yung headphones ko. Pinatugtog ko yung playlist ko at pumikit na.

I can finally relax. Ramdam ko yung sariwang hangin na humahampas-hampas pa sa mukha ko. It was soothing, very soothing.Napakunot-noo ako noong parang may narinig akong kung ano. Ano yun? Parang... parang...E? Hilik? Sa'n galing yun?

Luminga-linga ako pero wala naman akong nakita. Patuloy ko pa ring naririnig yung pesteng tunog. Istorbo! Pagtingala ko biglang--

"AY AMP-TA KANG LUMILIPAD NA UNGGOY!"

Bwiset na Giri 'to. Napasigaw tuloy ako.

"A-AW! A-ARAY! A-AW! YUNG LIKOD KO! SHETE."

Ang tanga. Tss. Nalaglag kasi sa puno, buti hindi ako yung nabagsakan. Ang dumi dumi na tuloy nung suot niya. Tsk.

"OA. Pasalamat ka dahil sinalo ka nu'ng lupa. Tanga. Diyan ka na nga. Istorbo." Binato ko sa kanya yung jacket ko tapos nagwalk-out na. Hay panira ng umaga, makapasok na nga lang. Lumakad na ako at iniwan yung bwisit na Giri dun na panay sigaw ng aray pa din. 

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon