Epilogue: Kidnap My Heart

22.3K 709 170
                                    

Dreams are like stars...you may never touch them, but if you follow them they will lead you to your destiny.

--Lawrence Block

**EPILOGUE**

"DANIEL!"

Napasigaw ako sabay bangon paupo na tila galing sa isang bangungot. Nang minulat ko 'yung mata ko, napanganga ako. Para akong nananaginip pa rin. Sa sobrang pagkashock ko, humiga ako ulit at pumikit. Baka nananaginip nga lang talaga kasi ako.

Pinakiramdaman ko 'yung paligid habang nakapikit. Ang sarap sa feeling, para akong nakahiga sa mga ulap. Feeling ko lumulutang ako habang nakahiga. Ang bango pa dito, amoy na amoy ko, parang pinaghalo-halong halimuyak ng bulaklak. Nakakarelax. Kung ganoon, totoo nga 'yung nakita ko kanina. I'm not dreaming.

I really am lying down in a bed of roses.

Unti-unti kong binuksan 'yung mga mata ko. Napatulala na lang ako bigla. Sobra akong na-amaze sa nakita ko. I can't explain it in words. Para akong nasa outerspace, it's like I'm dreaming when well in fact I was really wide awake. Para akong na-stranded sa isang fantasy world at ayoko nang magising pa.

'Yung ceiling 'yung una kong nakita, punong-puno 'yun ng stars at mga planeta. Pati 'yung dingding. Basta, parang kitang-kita ko 'yung kagandahan ng universe. Buong-buo. Nakakaiyak sa sobrang ganda. I was blown away. Parang ayoko nang umalis pa dito. It's like I want to stay in this galaxy forever.

[Picture po sa gilid--->] 

Madilim dito sa loob, dim lang. May isang malaking TV screen sa harap ko, kasize nung nasa sinehan. Dahan-dahan akong napabangon at napaupo sa may kama. Puno rin ng petals 'yung sahig. Mas lalo akong napanganga kasi nawindang ako sa suot ko. It was a long, beautiful, white dress, on which there lay many specks of beautiful, white stars. It was unbelievably perfect. A wedding dress?

 P-Paanong nangyari 'yun? Magic?

Napatayo na ako. Gulong-gulo 'yung buhok ko pero natural na bumabagsak lampas sa may balikat ko. Nakapaa-paa lang ako kaya ramdam ko 'yung lambot ng mga petals na naaapakan ko habang naglalakad. Palapit ako nang palapit sa napakalaking screen na narito sa kwarto. Nagtataka kasi ako kung anong meron doon. Malapit na malapit na ako nang biglang...

"Are you ready Chandy baby!"

"Aaaah!"

Lesheng unggoy! Bigla na lang nag-appear 'yung pagkalaki-laking mukha ng asawa k--este si Daniel sa screen. Napasigaw tuloy ako at napaupo dito sa sahig. Buti na lang malambot e. Dyusme. Ang daming alam. 

"Are you ready Chandy baby!"

Paulit-ulit 'yun na nagpe-play sa screen. Nagwiwink pa ang mokong. Pa-pogi e. Nako nako. Pakana niya nanaman pala 'to. May nalalaman pang kidnap kidnap saka aksidente aksidente. Bakit ba 'ko paulit-ulit? Leshe talaga.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon