Capitulo Seis: Jale P.

68.5K 579 125
                                    

 © COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

 -------------------------------------------

CHAPTER 6

 

 

JULIETTE FRANCHESKA'S POV

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalaing may makakarinig sakin. Hindi ko rin alam kung sinong lalaki yung nakakita sakin. Masyado akong nataranta kaya hindi ko napansin kung sino yun. Basta tumakbo nalang akong nakayuko para hindi niya malaman kung sino ako.

Ayoko kasing may nakakarinig sakin eh, kahit si Emil o Drew, hindi pa nila ako naririnig kumanta. Lagi nga nila akong inaasar na hindi marunong kumanta eh.

Hingal na hingal akong napatigil dito sa may garden nung academy. Napasalampak tuloy ako dito sa may damuhan. 

"JULIETTE FRANCHESKA BARRETTO! SAN KA BA NAGGALING?!"

"OO NGA LETLET! DYUSMEYO!"

Sigaw lang naman sakin ng dalawa kong bespren na hindi maipinta yung mukha at pawis na pawis. Tsk. Sabi na kasing..

DREW KHALIL'S POV

"JULIETTE FRANCHESKA BARRETTO! SAN KA BA NAGGALING?!" sigaw ko.

"OO NGA LETLET! DYUSMEYO!" sunod naman na sigaw ni Emil.

Kanina pa kasi namin hinahanap si Juliette sabi niya pupunta lang ng comfort room tapos ang tagal namang bumalik. Nag-alala tuloy kami at kung saan-saan naghanap.

"Ano? Anong ginawa ko? Diba sabi ko kung matagalan ako 'wag niyo na kong sundan?" sabi niya.

Aish.

"Julie! Mag-iisang oras na kaya! For goodness sake! Nag-aalala lang kami sa'yo." sabi ko sa kanya. Napafacepalm na ako.

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon