Said I Love You, But I Lied - Chapter 29

183 4 0
                                    

CHAPTER 29

TONI's POV

Tinatanaw ko mula sa bintana ang tatlong batang nagpapalipad ng saranggola. Nasa gitna sila ng palayan. Wala silang pakialam kahit mainit ang sikat ng araw. Tanging ang pagpapalipad ng kanilang saranggola ang mahalaga sa kanila.

Ganyan talaga kapag bata. Walang ibang iniisip kundi ang kanilang laruan o ang kanilang kalaro, at kung anu ang makakapagpasaya sa kanila.

Minsan tuloy nahihiling ko, sana bumalik ako sa pagkabata para matakasan ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kapag bata kase napakasimple lang ng buhay.

Kapag nadapa ka o nasugatan, saglit ka lang iiyak. Pagkatapos non wala na ang sakit. Ngingiti ka na ulet saka maglalaro.

Hindi tulad ng nangyayari sa buhay ko ngayon. Kahit anong limot ang gawin ko hindi pa rin sya mawala sa isip ko. Malalim ang naiwang sugat sa puso ko. Hindi sapat ang band-aid lang.

Napangiti ako nang marinig kong nagtatalo ang mga batang kanina lang ay masayang nagpapalipad ng saranggola. Naiisip ko sa kanila kaming tatlo nina Ate at Japoy. Dalawang babae saka isang lalaki.

“Ayoko na nga!” Sabi ng batang babaeng nakasuot ng pulang headband. Sya ang pinakamaliit sa kanilang tatlo.

“Umuwi ka na lang kung ayaw mo na.” sagot ng isa pang batang babae. Mas matangkad sya ng isang dangkal don sa nauna.

“Ayoko nga. Gusto ko don naman tayo.” Tinuro ng batang maliit ang puno ng mangga sa di kalayuan.

“Hindi pwede. Mapapagalitan tayo ni Nanay. Baka mahulog ka na naman.”

Saka ko lang narealized, magkapatid pala ang dalawang batang babae.

Tiningnan ko ang kasama nilang batang lalaki. Hindi ito nagsasalita. Palipat-lipat lang ang tingin nya sa dalawang kasama na ngayon ay nagtatalo na. Nasa mukha nya ang pag-aalala dahil sa mga kasama.

“Gusto ko nga kase ng mangga.” Pagpupumilit ng batang maliit.

“Baka nga mahulog ka.”

“Hindi naman ako mahuhulog dahil hindi ako aakyat. Di ba Donald?”

“Huh?” Naguguluhang sagot ng batang lalaki.

“Ikaw ang aakyat di ba?” saka nya ito hinawakan sa kamay.

“Hindi kayo pupunta doon. Dito lang tayo. Nagpagawa ka pa kay Tatay ng saranggola tapos hindi mo naman pala gagamitin. Nakakainis ka na Angel ha!” Mataray ang pagkakasabi ng bata sa kanyang kapatid.

“Ah basta! Gusto ko nang mangga. Halika na nga Donald. Don na tayo.”

Mabilis na hinila ni Angel ang kamay ni Donald, pero itong Ate nya hinawakan din ang kabilang kamay ni Donald. Para na tuloy silang nagtatag of war. Kawawang Donald mahahati pa ata ang katawan.

“Te—teka muna. Huwag kayong mag-away.” Sinubukang kumawala ni Donald sa pagkakahawak ng magkapatid pero hindi nya magawa. Lalo lang syang nahirapan dahil sa kanilang paghihilahan.

“Ate naman kase eh. Napaka-KJ mo.”

“Hindi nga kase pwede Angel. Baka mahulog ka na naman doon. Pareho tayong mapapagalitan ni Nanay.”

“Hindi nga ako mahuhulog dahil hindi naman ako aakyat. Di ba Donald? Di ba? Di ba?”

“Sige na nga. Ganito na lang. Angel dito ka na lang sa Ate mo. Ako na lang ang kukuha ng mangga para sa’yo. Huwag ka nang sumunod doon. Okey ba ‘yon?”

Saglit nag-isip si Angel saka tila napalitan bago sumang-ayon. “Sige na nga.”

“Dito ka lang ha? Huwag kang susunod. Tulungan mo na lang si Angie sa pagpapalipad nito.” Nilagay ni Donald sa palad ni Angel ang tali nang saranggola.

“Sige na nga.”

Tumalikod na si Donald pero tinawag sya ni Angie.

“Mag-iingat ka. Manungkit ka na lang, huwag ka nang umakyat.”

“Okey.” Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Donald bago sya tuluyang tumalikod sa magkapatid.

Naaalala ko kay Donald si Jaypee nong maliliit pa kami. Gagawin nya ang lahat ng gusto at sabihin ko para lang hindi kami mag-away ni Ate. Saka ang mga patingin-tingin ni Donald kay Angie, ganon na ganon din si Jaypee kay Ate. At ako naman si Angel, mahilig umepal. At dahil bunso, lagi nila akong pinagbibigyan. Hindi ko alam, sa mga simpleng bagay pala na ganon nasasaktan ko na ang Ate ko.

Tulad ni Angie ngayon. Wala na sa pagpapalipad ng saranggola ang kanyang buong atensyon. Ilang beses syang sumusulyap sa kinaroroonan ni Donald.

Ngayon ko lang napag-isip-isip, ganon ba ako kasarili noon?

Tanging pakonswelo ko na lang sa sarili ko, mahal na mahal ko ang Ate ko at alam kong ganon din sya sa akin. Kung kaya ko lang ibalik ang lahat, gagawin ko.

Dumaan sa harapan ko ang batang si Donald at may dalang isang bungkos na mangga.

“Ate Toni mangga.” Tinanggap ko ang inabot nyang tatlong pirasong mangga.

“Salamat.” Ngumiti si Donald kaya lumabas ang kanyang dimple sa pisngi. Cute pala ang batang ito.

“Ate sasama ka ba sa amin nina Mama mamaya sa perya?” Anak nang tiyahin ni Darwin si Donald. Hindi ba halata? Puro sila letter D.

“Hindi ko pa alam eh.”

“Sige na Ate. Sumama ka na. Masaya doon. Kasama din sina Angie, may masasakyan tayo.”

“Bahala na mamaya.”

“Ay ganon? Sige.”

Tinawag si Donald ni Angel kaya sya napilitang magpaalam.

Napapangiti na lang ako habang tinatanaw ko ang tatlong batang masayang kumakain nang mangga. Parang kanina lang nagkakagulo pa sila, pero ngayon okey na.

Napakasaya maging bata.

Simple lang ang buhay kapag bata. Walang masyadong alalahanin.

***

“Gusto ko don.” Turo ni Angie sa carousel.

“Ayoko don! Doon ang gusto ko eh.” Turo naman ni Angel sa caterpillar.

“Doon nga!” kulit ni Angie.

“Doon nga sabi eh.” Ayaw din magpatalo ni Angel.

“Donald tara?” Aya ni Angie kay Donald, pero mas naunang humawak si Angel sa braso ni Donald.

“Ah..Ah..” naguguluhan ngayon si Donald.

Kawawang Donald. Lagi na lang nahahati sa magkapatid.

“Ganito na lang. Doon muna kayo sa carousel pagkatapos doon naman sa caterpillar. Ano okey ba yon?” singit ng Tatay nina Angie.

“Okey!” Sabay na sagot ng dalawang bata.

Natatawa na lang ang magulang ng mga bata.

Sinundan ko sila ng tingin habang masaya silang lumapit sa nag-aasist sa carousel. Parang hindi ako makahinga.

“Iha?”

Medyo nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay na nakapatong sa aking balikat. Paglingon ko si Aling Dita pala, nanay ni Donald.

“Po?”

“Okey ka lang? Doon tayo oh.” Turo nya sa kabilang bahagi ng perya.

Muli kong binalik ang tingin sa kinaroroonan nina Donald pero wala na sila doon. Nakasakay na  sila sa carousel. Wala na rin doon ang lalaking kamukha ni Dennis.

Pati ba naman dito sya pa din ang nakikita ko?

Tsssk! Kelan ba kita makakalimutan?

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now