Capitulo Cuarenta y Tres: Diary

28.2K 637 121
                                    

A/N: Wala po munang masyadong KV scenes ha. Sorry kung magulo, tanungin niyo na lang ako sa comment kung may di naintindihan. XD. Enjoy reading. Labyu all! :*

-----------

CHAPTER 43

"D-Daddy?" saad din ni Daniel. Pareho silang nakatulala ni Tito Dan. Pati ako na-a-amaze sa nakikita ko. Para kasi silang nakatitig sa salamin. Older version saka younger version nga lang.

Biglang niyakap ni Tito Dan--I mean Dad si Daniel. Tinatapik-tapik niya 'yung likod ni Daniel at umiiyak na. "S-Sorry Anak... S-Sorry..."

Tulala pa ring nakatayo doon si Daniel, nakatitig siya sa kawalan na parang wala sa sarili. He wasn't hugging back. Tumutulo 'yung luha niya at parang hindi pa rin makapaniwala. After how many years, 17 years I guess? Nasa harap niya ngayon 'yung totoo niyang tatay at yakap-yakap siya. It was heartbreaking and at the same time, masaya. Masaya ako para sa kanila pero nakakaiyak, nakakaiyak na makita silang ganoon.

"Dy?" rinig kong galing sa loob ng bahay. Papunta yata si Tita Kath, I mean si Mommy Kath. Ang weird banggitin kasi, parang tinatawag ko sarili ko kaso sanay naman ako sa Chandria o kaya Cara so no big deal. Bumangon siguro siya dahil ang tagal ni Tito Dan dito sa labas. Para namang hindi siya naririnig ni Tito kasi nakapokus 'yung atensiyon kay Daniel.

"Dan?" Napasilip na si Mommy sa pinto. Una niya akong nakita at nakita kong napatingin siya pababa. She saw baby James. Gulat na gulat 'yung itsura niya. Nagtatago lang kasi sa likod ko si baby Kaycee at baby James habang nakasilip. Hindi nila alam 'yung nangyayari. 

"Baby James, she's your real mommy," sabi ko. Bigla ring napatingin si Tito Dan sa amin habang nakayakap pa rin kay Daniel. Nginitian ko siya. "And he's your real daddy," sabi ko rin sabay turo kay Tito.

Ilinapit ko si James sa kanila na halatang naguguluhan. Palipat-lipat siya ng tingin sa amin. Kay Daniel, sa akin, kay Tito Dan at Tita Kath. Naiintindihan ko, mahirap 'yung sitwasyon nila. Pero alam kong nararamdaman niyang sila ang tunay na magulang niya. Yinakap naman agad siya ni Mommy Kath. Umiiyak sila. Lumayo muna kami konti ni Kaycee. Tahimik rin siya at hindi alam ang nangyayari. Pumunta kami medyo malayo sa kanila doon sa may gazebo sa front garden. Umupo kami doon at pinagmamasdan sina Daniel. They're having a family reunion.

Nakita kong nag-uusap na sila. Marami sigurong gustong itanong si Daniel. He was already smiling, James too. They look so happy. Sa wakas, kumpleto na sila. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa kuwento ni Tito Dan. Ang bait talaga ni Lord dahil nabuhay pa sila, isang napakalaking milagro 'yun. Siguro magugulat din si Lola pagbalik niya.

Halos isang oras rin yata silang nakatayo doon at nag-usap. Lampas alas dose na ng madaling-araw. Nakatulog na nga si Kaycee sa lap ko at medyo bumabagsak na rin 'yung talukap ng mata ko. Inaantok na e.

"Chands!"

Bigla tuloy akong nagulat at napaangat ng ulo, makasigaw ba naman. Nakita ko si Daniel na sumesenyas na pumasok na kami pero biglang natigilan. Nakita niya yatang natutulog si Kaycee sa may lap ko kaya lumakad siya papunta dito.

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now