Capitulo Cuarenta: Hey There

31.9K 664 149
                                    

CHAPTER 40

"Ch-Chandria po," nauutal kong sagot.

"Why are you trembling?" tanong ni Tita. Inalalayan niya ako at umupo kami sa sofa, sumunod din si Tito Dan. Hindi naman malamig 'yung kamay ni Tita noong hinawakan niya ako at saka hindi naman niya ako mahahawakan kung multo siya e. Gulo!

"Alam ko kung bakit siya ganyan!" sabi ni Tito habang nakangiti ng nakakaloko.

"Bakit Hon?" tanong ni Tita sa asawa niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Kasi alam niya siguro 'yung nangyari sa atin," seryosong sabi ni Tito. Napalunok ako. O kita niyo na? E 'di nahulog talaga sila sa bangin!

Dyuskolord naman e.

Inakbayan ako ni Tita tapos ang lapit lapit niya sa akin. Feeling ko nga baka biglang umiba 'yung itsura nila na parang sa mga napapanood kong prank videos na nanggugulat tapos 'yung maganda nilang mukha nagiging mukha na ng halimaw na kung makasigaw wagas.

Eeeh! Ayoko nu'n!

 Iniiwas ko nga 'yung mukha ko sa kanya at hindi makatingin, baka kung ano pang makita ko. Kaso linalapit naman ni Tita 'yung mukha niya. Hinaplos-haplos pa niya 'yung buhok ko. Parang tumaas tuloy 'yung balahibo ko sa may batok.

Shete! Creepy!

 Nararamdaman ko 'yung hininga ni Tita, palapit nang palapit sa may tainga ko. "Boo!"

"Aaaaaaaah!" malakas na sigaw ko. Napatakip ako sa mukha ko at nagsumiksik sa gilid ng sofa.

Narinig kong tumatawa si Tito tapos naramdaman kong yinakap ako ni Tita. Hinila niya ako at pinaayos ng upo. Tinanggal ko na 'yung kamay ko na tumatakip sa mukha ko. Napatingin ako kay Tita, she was smiling at me. Nakangiti ng nakakaloko, parang si Tito Dan. Pareho sila. Trip ba nila ako? Nakakahiya kaya.

"Don't worry Chandria dear. We're still alive and kicking," pag-aalo sa akin ni Tita. "Ang cute cute mo kasi, napagtripan tuloy kita. Haha. Sorry baby," dugtong niya. Hindi yata napigilan at hinalikan pa ako sa cheeks. Namiss ko tuloy mommy ko. Pwedeng maging mommy ko na rin siya?

"Tita, pwedeng mommy na lang tawag ko sa'yo?" wala sa sarili kong sabi. Bastos na bibig 'to. Sa isip ko lang naman sinabi, ba't lumabas sa bibig ko?

Ngumiti ng pagkalaki-laki si Tita. "Yes! Oh my gosh! Yes baby girl! Let's go shopping together! Let's go to the salon together! Let's--a basta, Let's bond! OMG! I'm so happy!"

Tuwang-tuwa siya tapos napayakap nanaman sa akin. Si Tito nakatingin lang din. "Glad you said that, hindi ko kasi siya mabigyan ng baby girl. Puro baby boys lang pero..." Hindi na natuloy ni Tito Dan ang sasabihin niya. Nakangiti siya pero nakita kong isang malungkot na ngiti iyon. Nakita kong napatitig siya doon sa picture frame na hawak-hawak pa rin niya. At doon ko naalala, may itatanong pa pala ako sa kanila.

Dreams, Destiny, and You?Where stories live. Discover now