Chapter 51

16.1K 202 16
                                    

Chapter 51

Jessie

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ‘yung sakit na nararamdaman ko.

     Ayokong magkalayo kami ni Luna kahit isang saglit man. Kaya napakahirap para saking tanggapin ‘yung hinihiling niya na lumayo muna kami sa isa’t isa.

     Tumiklop ‘yung kamay ko. Sinuntok ko ng malakas ‘yung pader kasi hindi ko na mapigilan ‘yung nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng kirot pero hindi ko ‘yun pinansin.

      “JESSIE!”

     Napalingon ako sa kanan at nakita kong nakatayo doon si Sarah. Lumapit siya agad sa akin at saka hinawakan ‘yung kamao ko.“God, Jessie! You’re bleeding!”

     Binawi ko ‘yung kamay ko. “Wala kang pakialam.”

     “Ano ka ba! Bakit sinasaktan mo ‘yung sarili mo? Wala ka na ba talaga sa tamang pag-iisip?!”

     Sumandal ako sa pader at yumuko. “I-I don’t know,” mahina kong sabi. “H-Hindi ko na alam Sarah. Ang sakit... Para na kong mababaliw.”

      “Ano ka ba! Umuwi ka na nga! Baka kung ano pa gawin mo sa sarili mo e. I’ll drive you home.” Hinawakan niya ko sa braso.

     “Sarah. Please. Iwanan mo nalang ako.”

     “No. You’re coming with me. And you’re going home. Ihahatid na nga kita.”

     “Ayokong umuwi.”

     “Pwes, saan ka naman pupunta, ha? Sabihin mo nga? God, Jessie you look awful! Hindi mo ba nakikita sarili mo?!” sigaw sa akin ni Sarah.

     “I don’t care!” Bumabaon na ‘yung mga kuko ko sa palad ko. Naiinis ako. Gusto kong habulin si Luna. Gusto kong magmakaawa. Gusto kong lumuhod. Pero para akong statwa ngayon dito. Hindi ko na alam kung ano ‘yung dapat kong gawin.

     Nagbuntung-hininga si Sarah. Pumamaywang siya at tumingin sakin. “Fine. Don’t go home. Bakit hindi mo nalang iinom ‘yan? That way, makakalimutan mo din ‘yung mga nangyari ngayong gabi.”

     Napatingin ako sa kanya. “You saw what happened?”

     “Of course! Narinig ko nalang kasi kayong nagsisigawan. Buti nga at‘yung mga tao ay sa back gate lumabas kasi mas malapit ‘yun sa Production Hall. Kung nagkataon ay baka pinatawag pa kayo sa office!”

     “But I don’t drink Sarah,” sabi ko.

     Ngumiti siya. “I know. Kaya nga mas mabuti.”

     Nag-isip muna ako. She has a point. I’ll get drunk then forget about Luna. I’ll forget about the pain. I’ll forget about everything that happened tonight.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now