Chapter 9

20.9K 304 13
                                    

Chapter 9

Jessie

Pagpasok ko ng room, nakita ko si Luna na nakaupo doon sa usual place niya.

     Sa dulo. Tapos ay nakatingin siya sa bintana. Chemistry kami ngayon, kaya magkatabi kami. Habang pumapasok ako, nakatingin ‘yung mga classmate ko sa akin. ‘Yung iba nagbubulung-bulungan, ‘yung iba naman naiintriga kung ano ‘yung mangyayari samin. Noong nandoon na ako sa tabi ng table namin, hindi niya ako pinansin.

     Inabot ko ‘yung bag niya. “Bag mo. Naiwan mo kahapon.”

     Kinuha niya ‘yon. “Alam ko.”

     Umupo ako sa tabi niya. “Hindi mo ba alam ‘yung salitang ‘thank you’ o kaya ‘salamat’?

     Hindi niya ko pinansin. Hinalungkat lang niya ‘yung bag niya.

    “Wala akong pinakialamanan,” pagsisinungaling ko. Pero tuloy pa rin siya sa paghahalungkat. Kinuha niya ‘yung cellphone niya. Syempre, hindi ko kinalimutang i-lock ulit ‘yung screen ng cellphone niya. Kinuha ko na ‘yung Lab Manual ko at saka inilagay ‘yung bag ko sa bag rack. Isinusuot ko na ‘yung lab gown noong…

     “Anong pinasa mo?”

     Napatigil ako sa pag-aayos ng lab gown ko. Humarap ako sa kanya. “H-ha? Anong pinasa? Ano ba’ng sinasabi mo?”

     Iniharap niya sa akin ‘yung cellphone niya. “Bukas ‘yung bluetooth oh!”

     Lumunok ako. Nakakainis! Nakalimutan ko palang i-off! “Aba, ewan ko!” pagmamaang-maangan ko.“Baka naman nakalimutan mong i-off ‘yan kahapon?”

     Umiling siya. “Imposible! Hinding-hindi ko makakalimutang i-off ‘yun kasi iniingatan kong hindi magka-virus ‘yung cellphone ko!”

     “Huwag mo kong sisihin sa kapabayaan mo!” Hindi ko naman kasi pwedeng aminin na ipinasa ko ‘yung pictures niya. Baka kung ano pa isipin niya at nung ibang nakakarinig sa amin ngayon.

     “Sinungaling!” Tumayo siya at hinawakan‘yunglab gown ko. “Ano ‘yung ipinasa mo, ha? Sumagot ka!”

     “Bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang wala! Wag mo nga akong sisihin sa katangahan mo!”

     Binitiwan niya ‘yung polo ko at pagkatapos ay kinuha ‘yung bag niya. Kunot-noo siyang lumakad palayo sa akin at lumabas ng Lab room.

     Tinanong ako noong isa naming kaklase. “LQ na naman ba kayo, Jessie?”

     “Oo nga. Di ba kababati niyo lang kahapon?”

Nainis ako sa mga tanong nila. Tumayo ako at sinabing pagalit, “Hindi kami! Hinding-hindi mangyayari ‘yon kahit kelan! At higit sa lahat, hinding-hindi ko magugustuhan ‘yung babaeng ‘yon kahit pa na siya nalang ‘yung nag-iisang babae sa mundo! Tatanda nalang ako ng mag-isa!”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon