Chapter 43

16.4K 226 9
                                    

Chapter 43

Jessie

Sunday morning.

   Inayos ko ‘yung polo ko sa huling pagkakataon. Medyo kinakabahan yata ako. Kinuha ko ‘yung cellphone ko at tinext si Luna.

To: Luna

Nandito na ko sa labas.

RE: Luna

Okay. Bababa na ko. ‘Wag kang kakabahan ah?

     Ipinamulsa ko nang muli ‘yung cellphone ko at saka huminga ng malalim. Pinindot ko na ‘yung doorbell. Pagkaraan ng ilang sandali ay may nagbukas ng gate.

     “Oh, Jessie!” sigaw ni Steff. “Ano’ng ginagawa mo dito??”

     “Um…”

      “Uy.” Tumingin kaming dalawa kay Luna. Nagpabalik-balik ‘yung tingin ni Steff sa aming dalawa. Alam na kaya nito ‘yung tungkol sa amin ni Luna?

     Kinuha ni Luna ‘yung kamay ko at pumasok na kami sa loob. Pumunta kami sa may sala. “Anak?” Lumabas mula sa kitchen‘yung Mama niya. Mukhang may ginagawa siya doon kasi nagpupunas siya ng kamay at may suot na apron.

     Naramdaman ko ‘yungmahinang kurot ni Luna sa may likod ko. Noong tumingin ako sa kanya ay nakita kong nakangiti siya sa Mama niya. “Ano?” mahinang tanong ko.

     “Bumati ka,” nakangiti pa rin niyang sabi.

     Ay, oo nga pala. Nag-bow ako sa Mama niya. “Good morning po. Ako nga po pala si Jessie Wright.”

      “Ah.” Inalis noong Mama niya ‘yung apron. “Kaibigan ka ng anak ko?”

     “Hindi, Ma,” singit ni Luna.“Boyfriend ko siya.”

     Mukhang gulat na gulat ‘yung Mama ni Luna. Hindi ito nakapagsalita. “Ate, he’s your boyfriend?” Napatingin kami ni Luna doon sa isang batang babae na mukhang nasa grade school pa lamang.

     Bumaba siya mula sa hagdan. Kapatid siguro siya ni Luna. Magkahawig sila e. Inakay siya ni Luna papunta sa amin. “Yes, Teena. Do you like him?”

     Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya. “Hi. Your name’s Teena, right? I’m Kuya Jessie.”

     Ngumiti siya sa akin at tumango. “Yes, kuya. Nice to meet you. You look handsome.”

     Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Buti pa ‘tong bata napakalinaw ng mata. Hindi kagaya noong ate niya noong first time naming nagkakilala. Haha.

      “Ah, sige. Maupo muna kayo dyan sa sofa, anak. Maghahanda lang ako ng maiinom.” Pumunta sa kitchen ‘yung mama ni Luna.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon