Chapter 41

17.3K 241 7
                                    

Chapter 41

Justin

“Orange juice, please,” sabi ko nalang doon sa waitress ng restaurant.

     Mayroong tumawag sa akin kaninang unregistered number. Nagpakilala siyang si Sarah at gusto daw niyang makipag-usap sa akin. Nagulat ako noong sinabi niya na ang pag-uusapan daw namin ay tungkol sa amin ni Luna. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ‘yung balita na ‘yon kaya mas mabuti pa siguro kung makikipagkita nalang ako sa kanya.

     Dumating na ‘yung order kong orange juice. Pagkaraan ng sampung minuto ay dumating na din si Sarah. Naka-school uniform pa rin siya at mukhang kauuwi palang galing school. Ngumiti siya sa akin noong makita niya ko. Umupo siya sa harapan ko. “Hi.”

     “Ano ba’ng sasabihin mo?” tanong ko agad.

     “Hindi ka naman masyadong nagmamadali?” natatawang sabi niya sa akin.

     “Sige na, Sarah. May gagawin pa ko.”

     Nagbuntung-hininga siya at inilagay ‘yung baba sa kamay. “Okay. Like what I’ve said, it has something to do with you and Luna.”

     “Saan mo ba nalaman ‘yun?”

     “Baka nakakalimutan mo, Justin,”sabi niya. “Nasa school paper ako at marami kong sources.”

     “Just get to the point,” sabi ko at tinitigan siya sa mga maya.

      Tiningnan niya ko ng seryoso. “I know na may gusto ka sa kanya. At alam mo din na may gusto ako kay Jessie. And recently lang, naging sila ni Luna.”

     Parang kumirot ‘yung puso ko noong sinabi niya ‘yon. “Ano gusto mong mangyari?”

     Ngumiti siya sa akin with one-sided smile. “It’s simple. We both get what we want.”

     Tumaas ‘yung kilay ko. “Are you suggesting that we split them up?”

     Mas lumaki ‘yung ngiti niya. “Yes.”

     Tumayo ako.  “I’m sorry, pero huwag mo akong isali dyan sa balak mo. Aalis na ko.”

     “Wait!” Hinawakan niya ko sa braso. Tumingin ako sa kanya. “Papayag ka nalang ba na maging sila? Hindi mo man lang ba ipaglalaban si Luna? Don’t you want to try?”

     “Ang importante sa akin ay masaya siya. At kung si Jessie ang makapagbibigay sa kanya noon, handa akong magparaya.”

     Tumayo na rin siya pero hawak pa rin niya ‘yung braso ko. “You don’t know what you’re saying, Justin,” sabi niya. “Huwag kang maging tanga. Sarili mo lang ang niloloko mo. Why don’t you try? Think about it.”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon