Chapter 33

17.7K 242 12
                                    

Chapter 33

Steff

Ilang araw na ring balisa si Luna.

     Hindi ko naman alam ‘yung dahilan kung bakit siya ganito. Ilang beses ko na rin siyang tinanong pero umiiwas siya. Hay, ano ba pwede kong gawin? Ayoko naman ng ganito ‘yung best friend ko. Miss ko na ‘yung masayahing Luna.

     Tanghalian na kaya sabay kaming pumunta ni Luna sa canteen. Nauna siyang umupo para hindi kami mawalan ng pwesto. Bumili kong pagkain, spaghetti and shake.

     Pagpunta ko doon sa pwesto namin ay napansin kong nakatulala na naman siya. Umupo ako sa harapan niya. “Sis?” Nakatulala pa rin siya. “Huy...”

     Tumaas na ‘yung tingin niya. “H-Ha?”

“Hindi ka ba kakain? Heto oh, sa’yo nalang ‘tong pagkain ko.” Inalok ko ‘yung spaghetti at shake.

      Ngumit siya at umiling. “Naku, hindi na, sis. Busog pa ko e.”

      Kumunot ng kaunti ‘yung noo ko. “Anong busog? Ni hindi ka nga kumain kaninang umaga e! Tapos ‘yung pagkain mo kagabi parang wala namang nagalaw!”

     Yumuko lang siya.

      “Sis ano ba kasing nangyayari, ha? Namamayayat ka na. Ilang araw ka nang ganyan. Nagsisimula na kong mag-alala.” Hindi pa rin siya sumasagot. Hay.Hindi ko na rin mapigilang itanong. “Si Jessie ba?”

     Biglang umangat ‘yung ulo niya. “Ha?”

     “Dahil ba kay Jessie ‘to?” tanong ko ulit.

     Yumuko siya at tumango. Sabi na e.Naku,‘yung Jessie na ‘yan. Simula noong dumating siya sa buhay ni Luna ay lagi nalang siyang nalulungkot o kaya ay umiiyak.

     “Bakit? Ano na naman ba ‘yung ginawa niya?”

Huminga ng malalim si Luna at for the first time, nagsalita na siya tungkol doon sa problema niya.

     “ANO?!” Hindi ko mapigilang magulat. Napatayo ako. Napansin kong nagtinginan ‘yung mga tao sa canteen. Umupo nalang ulit ako kasi medyo nakakahiya.

      “Ano’ng sabi mo?Pambihirang Jessie ‘yan! Bakit doon sa bruha naniwala?!” naiinis na sabi ko.

      “Syempre girlfriend niya ‘yun e. Saka ‘di ba si Sarah ‘yung mahal niya? Kaya... Kaya natural lang ‘yun.”

     Umiling ako. “Kahit na ba! Pagkatapos nung ki–noong nangyari sa inyo noong isang gabi, maniniwala siya doon sa bruhilda na ‘yon?!” Nakakainis! Parang wala lang para kay Jessie ‘yung paghalik niya sa best friend ko ah!

     “Hayaan nalang natin, sis,” sabi niya ng mahina. “Ganun talaga e.”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon