Chapter 52

16.6K 198 22
                                    

Chapter 52

Steff

“Sis, kain ka na.” Dinala ko sa kwarto niya ‘yung hinandang hapunan ni Tita.

     “Ayoko. Hindi pa ko gutom.”

     Ibinaba ko ‘yung pagkain doon sa table. Nakahiga parin si Luna doon sa kama niya. Dalawang araw na siyang hindi umaalis sa kwarto niya. Pati ‘yung school niya affected na dahil sa hindi niya pagpasok. Pero mabuti nalang at sinulatan ni Tita ‘yung school at sinabi na may sakit daw si Luna kaya hindi muna siya makakapasok ng ilang araw.

     Umupo ako sa gilid ng kama niya. Nakatalikod siya sa akin at yakap ‘yung stuff toy na Stitch na binigay daw ni Jessie. “Sis.”Inalog ko ‘yung braso niya. “Sige na, kahit kaunti lang. Kain ka na. Baka bumagal ‘yang paggaling mo, sige ka.”

     At pagkatapos ay nakarinig ako ng isang malalim na paghinga. Umiiyak na naman ‘yung bestfriend ko. Lagi nalang siyang matamlay at iyak ng iyak. Pati tuloy ako naiiyak na. “Sis.”

“Mami-miss ko kayo, sis. Sobra.”

     Parang sumikip ‘yung dibdib ko dahil doon sa sinabi niya. “Sis naman! Huwag mo ngang sabihin ‘yan! Hindi magandang biro ‘yan!”

      “I love you, sis.”

      “Sis, ano ba! Gagaling ka! Sabi ni Tita hindi pa naman daw malala ‘yung sakit mo e! May pag-asa pa!” Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. “Huwag kang mawawalan ng pag-asa, sis. Alam mo namang labs na labs kita,‘di ba?”

     Humikbi siya at mas lalong humigpit ‘yung pagkakayakap sa stuff toy niya. Dati itinapon niya ‘yung stuff toy na ‘yon sa trash can pero simula noong malaman niyang may sakit siya, lagi na niyang yakap-yakap ‘yon. Siguro, doon siya kumukuha ng lakas ng loob. Na kahit pa nasasaktan siya ay patuloy pa din niyang minamahal si Jessie.

ж ж ж

Luna’s POV

“She’ll experience headache, clumsiness, slight seizures, nausea and abnormalities in vision. Pero thank God at maagang na-detect ‘yung sakit niya.”

     Noong narinig ko ‘yung mga iyon kay Mama ay parang ibinagsak ang buong mundo ko sa paanan ko. Hindi ko na rin naririnig ‘yung kalahati noong sinasabi niya kasi parang nablangko ‘yung isipan ko.Ang susunod ko nalang na namalayan ay umiiyak na ako doon sa hospital bed.

     Pilit nila kong pinapatahan pero ayaw tumigil noong mga luha ko mula sa pagtulo. Napakahirap tanggapin ng mga nangyayari ngayon. Ano ba’ng sinasabi nila na may sakit daw ako? Nagbibiro lang sila, ‘di ba? Bakit naman ako magkakasakit e ang lusug-lusog ko?

     Noong nasa bahay na kami, hindi ako lumalabas ng kwarto. Wala din akong ganang kumain. Kahit na niluluto lagi ni Mama ‘yung mga paborito ko, feeling ko isusuka ko lang din ang lahat ng iyonkapag pinilit ko ‘yung sarili ko.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon