Chapter 27

17.4K 223 11
                                    

Chapter 27

Luna

Pagpasok ko ng kwarto, noon ko na-realize na naiwan ko pala ‘yung bag ko doon sa room.

     “Tsk. Ano ba ‘yan? Bakit ba lagi nalang akong nakakaiwan ng bag?”

     Kinuha ko ‘yung SIM card ni Jessie doon sa bulsa ng palda ko. Kumunot ‘yung noo ko. Bigla akong nainis. Gusto kong sirain ‘to! Gupitin ng gupitin! Sunugin hanggang sa maging abo!

     Pero hindi ko  kaya e.

     Parang... Parang may pumipigil sa akin.

     Kinabukasan ay sabay kaming pumasok ni Steff. Kwento siya ng kwento tungkol doon sa date nila ni Kevin. Nagpunta daw sila sa may arcade. Napakagaling daw ni Kevin mag-video game. Lagi daw talo ‘yung computer.

     Syempre ako naman, tango lang ng tango.

     “Pero ang mas nakakakilig pa doon, sinabihan niya ko ng cute!” sabi ni Steff. Tuwang tuwa siya kaya parang natutuwa na din ako.“Sis? Hello! Nakikinig ka ba talaga? Kanina ka pa hindi umiimik. Para kang ewan na tango lang ng tango dyan. Ano ba talagang problema?”

     “Meron ako ngayon,” pagsisinungaling ko kay Steff.

     “Ah, kaya naman pala sumusumpong na naman ‘yang mood swings mo. Nga pala, in-invite ako ni Kevin sa bahay niya sa Friday para maglaro ng video game. Gusto mong sumama?”

     Umiling ako. “Wag na kayo nalang. Madami pa kong gagawin e.” Ayoko muna kasing makita rin si Jessie. Baka kasi mamaya nandoon din siya.

     “Hay naku!” Hinawakan niya ako sa braso. “Ano ka ba? Mag-enjoy ka naman paminsan-minsan! Daig mo pa ‘yung nag-o-overtime na empleyado sa call center e! Sige, na kasi? Sumama ka na.”

     “Hindi nga pwede.”

     “Bahala ka. Overnight yun e. Samahan mo naman ako, please?”

     “Pero…”

     “Sige na, please?” sabi niya at saka pumikit-pikit pa. Nagpa-cute?

     Tumawa ako. “Oh, sige na! Sige na! Mukha kang ewan dyan. Kung hindi ka lang malakas sakin.”

     Pumalakpak siya. “Yey! Alam ko namang hindi mo ko matitiis.”

     “Ah ganon?” nakangiting sabi ko.

     “Syempre joke lang! Halika na nga. Magbago pa isip mo.” Hinila niya ako papuntang school.

     Pagpasok namin ng Lab room, hindi ko nakita si Jessie. As always naman. Lagi kasing late ‘yon. Uupo na sana ako sa seat namin pero natigilan ako. Ayokong makatabi siya ngayon. Baka mahirapan lang ako. Hangga’t maaga ay iiwasan ko na siya.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now