Chapter 30

18K 250 5
                                    

Chapter 30

Jessie

“Ano, mahal mo ba talaga siya?”

    Nabigla ako sa tanong ni Steff. Sasabihin ko ba ang totoo? Pero magtatanong lang sila kung nagkataon. Kung bakit girlfriend ko si Sarah pero hindi ko naman siya mahal. At baka mamaya ay makarating pa ito kay Sarah.

      Ayoko namang gawin niyang miserable ang buhay ni Luna.

     Nakatingin silang lahat sa akin. Kahit si Luna ay nakatingin sa akin, naghihintay ng kasagutan.

     Lumunok ako. Tumingin ako ng diretso kay Steff at labag sa loob na sinabing, “Yes.”

ж ж ж

Luna’s POV

“Matulog na nga tayo!”

     Biglang tumayo si Steff. Tumingin kami sa kanyang lahat kasi biglang kumunot ‘yung noo niya.

Lumakad siya paalis.“Babe! Saan ka pupunta?” Tumayo din si Kevin at sinundan si Steff.

     “CR lang!”

     Pareho silang nawala sa paningin namin. Medyo dinig pa rin ‘yung mga boses nila mula dito pero tahimik lang kaming nakaupo doon. Maya-maya, bumalik si Kevin ng kinakamaot ang ulo niya. “Ano ba problema ni Babe?”

     “Baka inaantok lang,” palusot ko. Alam kong nainis si Steff dahil doon sa sinagot ni Jessie. At dahil na din alam niya na nasaktan ako sa nangyaring iyon.

     “Tsk, halika na nga doon sa guest room. Kaso isang double bed lang ‘yungnandoon,” pag-aaya ni Kevin.

     “Okay lang,” sabi ni Justin. “Sina Luna at Steff nalang doon.”

     Umalis ‘yung mga lalaki para kumuha ng manipis na kutson. Sabi ni Kevin ay mauna na kami ni Steff doon sa kwarto. Kinatok ko sa pintuan ng CR si Steff. “Sis, tara na raw sa guest room.”

     Lumabas si Steff sa CR ng malungkot. Tumingin siya sa akin. “Sorry, sis, ah?” sabi niya ng mahina.

     “Ano ka ba…” Niyakap ko siya. “Wala ‘yun.”

     “Alam kong nasaktan ka e.”

     “‘Wag mo nang pansinin ‘yun. Ako naman ang may kasalanan. Hinayaan kong mahulog ako doon sa panget na ‘yun.”

     Humigpit ‘yungyakap niya sa akin.“Halika na?” aya ko sa kanya. Tumango siya. Pumunta na kami ng kwarto. Malaki at maganda ‘yung guestroom. Naunang mag-shower si Steff sa may CR. Sumunod ako. Nagpalit kaming dalawa ng pantulog. Pagbalik namin ay nakapantulog na din sina Justin, Rio, Kevin at Jessie. Nakalatag na din ‘yung mga kutson sa paligid ng kama. Humiga na kaming lahat.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now