Chapter 70

13.8K 145 11
                                    

Chapter 70

Sarah

 

“Ano ba ang sasabihin mo?” tanong sakin ni Jessie.

     “About you and Luna.” Inaya ko siyang mag-usap kung saan walang makakarinig samin.

     Sumandal si Jessie doon sa may puno. “Ano?” sabi niya.

     Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya madaling kuhanin. And I like him for it. Lumapit ako sa kanya at inayos ‘yung jacket niya. “Well, let’s just say na wala na akong pakialam sa inyong dalawa. I’ll get out of your way. I’ll let her have you. But...”

     Tumaas ‘yung kilay niya sa akin. “But what?”

      Ngumisi ako. “But if she finds you so boring na at sinaktan ka niya ulit.” Hinawakan ko ‘yung pisngi niya. “I’ll do everything to get you back,” bulong ko sa kanya. Hinawakan niya ‘yung kamay ko at inalis sa pisngi niya.

     “I was never yours, Sarah,” sabi niya sakin.

     Nainis ako sa sinabi niya. Tumikom ‘yung kamay ko sa inis pero tumawa nalang ako. “Oh, really? Okay.” Nag-shrug ako. “Think what you want. But I’ll make sure that if she hurts you again, hinding-hindi ka na niya makukuha pa–”

     “Do you love Rio?”

     Natigilan ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng kaba. Bakit? Why do I feel nervous so suddenly? “E-Excuse me?”

     “Mahal mo na ba siya?”

     Kumunot ‘yung noo ko at hinatak ‘yung kamay ko sa pagkakahawak niya. “Of course not!”

     “Then why are you acting like this?”

     “What are you talking about? How should I be acting?” inis kong tanong sa kanya.

     Tinitigan niya kong mabuti. Parang sinusuri niya ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon. It was as if he was extracting information from me. “You’re acting like you care for him now.”

     Tumawa ako sa sinabi niya. “Ano bang sinasabi mo? Bakit naman biglang napasok sa usapan ‘yan?”

     Umalis siya sa pagkakasandal sa puno at ipinamulsa ‘yung isang kamay niya. “I didn’t think that you’ll be this stupid.” Tapos ay ngumiti siya sa akin.

     Kumunot ‘yung noo ko. Naiinis ako sa ngiti niya. Parang minamaliit niya ko sa paraan ng pagngiti niya ngayon. “What?” I snarled at him.

     “You look pathetic. Niloloko mo lang ‘yang sarili mo. Alam kong naguguluhan ka na ngayon. Pero ayaw mo lang aminin kasi natatakot ka.”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon