Chapter 56

14.8K 192 9
                                    

Chapter 56

Sarah

Sino ‘yon?

      Sino na naman ba ‘yung kasama ni Luna na ‘yon? Nakuha na nga niya si Jessie ko, fini-flirt na si Justin tapos ngayon kapag nakatalikod ‘yung dalawa na ‘yon, may kaakbayan namang ibang lalaki?

      “Girl? Ba’t nakasimangot ka na naman dyan, ha?” tanong ni Leslie, friend ko.

     Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nang maglakad. “Oh, saan ka pupunta, girl?” sigaw ni Leslie sa akin.

      “Sa Publication’s Office!” sigaw ko.

     “Bakit?”

      Hindi ako kumibo. Actually, hindi muna ako pupunta sa Publication’s Office. Sinundan ko sina Luna at ‘yung kasama niyang lalaki. Kinuha ko ‘yung cellphone ko and snapped a photo of them.

      Click.

     Tiningnan ko iyon. Napangiti ako. “Perfect.”

     Nagmamadali akong pumunta doon sa publication’s office. Binuksan ko kaagad ‘yung computer at hinanap ‘yung photos na ipinadala ng ibang estudyante through email para makakuha ng scoop ‘yung school paper. Karamihan doon stolen ay kaya hindi nila alam na kinabukasan ay pwede nang mai-publish ‘yung mga ginagawa nila.

     May section kasi ‘yung school paper for couples. Kung intriguing ang pagiging couple nila o unexpected na naging sila, basta ‘yung mga ganoon, then pwede silang ilagay sa school paper. Luckily, sa section na ‘yon, pen names ‘yung ginagamit namin kaya walang nakakaalam kung sino ba ‘yung sumulat ng articles doon.

     Inopen ko ‘yung mga email hanggang sa mahanap ko ‘yung photo ni Luna with Jessie na ipinadala noong isang araw. Then I remembered na binura ko nga pala iyon. Gosh! Sana nasa recycle bin pa siya

     In-open ko ‘yung recycle bin at hinanap ‘yung picture niya na iyon. Nainis kasi ko noon. Nakakairitang makitang magkasama si Luna at Jessie kahit sa picture lang. Lalo na’t hawak pa ni Jessie ‘yung kamay noong lecheng babae na ‘yon.

      “Ayun!” Ni-restore ko ‘yung picture at saka kinopya sa USB ko. Tumingin-tingin pa ako sa emails. Naintriga ako doon sa isang file na ang pangalan ay “The President and the Band’s Vocalist” so in-open ko ‘yon.

    Ngumiti ako kasi ‘yung nasa picture na ‘yon ay si Luna at si Justin. May nakasulat pa ngang tanong e.

     ‘Does the Student Council President have a romance with Justin Cuevo? I hope not, please. Can you make sure of it for me?’

     Well, mukhang fan girl ito ni Justin. And big thanks to her kasi nakakuha ako ng isang magandang litrato. And not only that, I have a very, very good article forming in my mind right now.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon