Chapter 3

26.5K 472 27
                                    

Chapter 3

Luna

Dumagundong ‘yung buong room.

     Naghiyawan ng ‘Ayie!’ ‘yung mga kaklase ko. Nakatulala ako sa kanya. Sa baliw na katabi ko. Tama ba ko ng dinig? Ang laki ng sayad nitong hilaw na taong ‘to! Pinagti-tripan ako! Tsk!

     Inalis ko ‘yung braso niya sa pagkakaakbay sa akin. Nakasimangot ako sa kanya tapos pasigaw kong sinabi na, “Mahiya ka nga!” Pero hindi ‘yun masyadong narinig kasi ang iingay ng mga classmate ko.

     Pumapalakpak si Ma’am Terrano sa may harapan. My God! Ano ba ang trip ng mga taong ‘to?

      “AYIE!”

      Napatingin ako sa may harapan. WTH? ‘Yung traydor na best friend ko! Nangunguna sa pag-a-ayie! Patay ka sakin mamaya, Steff Lazaro.

      “Okay, that’s enough, class. Very good, Mr. Wright!” masayang sabi ni Ma’am Terrano.

     Umupo ako at saka humalukipkip ng nakakunot ang noo.

      “Ano ba’ng problema mo?” Umupo na rin si American boy.

     Mataray ko siyang tiningnan. “Ano ba sa tingin mo?”

     “Nagagalit ka ba dahil sa sinabi ko kanina o kinikilig ka lang?” Napanganga ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa taong ‘to!

     “Ang kapal ng mukha mo! ‘Wag mo nga akong kausapin!” Binuhat ko ‘yung upuan ko palayo sa kanya. Halos nasa end na nga ako ng table e. Mas malayo mas mainam. Nakakabawas stress. Pero binuhat din niya ‘yung upuan niya tapos lumapit sa akin. Aba’y talagang! Pwedeng manipa? Tsk.

     Hindi ko na lang siya pinansin. Sana matapos na ‘tong period na to. Hindi ko na kayang makatabi  pa ‘yung lalaking ‘to. “Wow, lalong mas mahirap makita ‘yung blackboard dito. Gusto mo ba talaga dyan?”

     “Wala kang pakialam.”

     “Kawawa ka naman. Ang hirap maging pandak, no?”

     At dito na nga po nagsimula ang World War III.

     Binigyan ko siya ng isang nakamamatay na tingin. “Ang tapang talaga ng hiya mo! Palibhasa kasi kapre ka! Kapre!”

     “E di dwende ka naman? Tabi-tabi po,” nakangiting sabi niya sa akin.

     Nilapit ko ‘yung mukha ko sa kanya tapos tinitigan ko siya. “Alam mo, kung mahal mo pa ‘yang ilong mo, tumahimik ka nalang at baka mamaya ay nakaturo na ‘yan kanan mo!”

     Tumawa siya. “Haha! Nakakatawa ka palang magbanta. ‘Wag mo namang masyadong ipangalandakan na matangos ‘yung ilong ko.”

     Nag-poker face ako. Ang hangin, grabe.

     “Kung sabagay,” habol pa niya at saka ipinatong yung pisngi sa kanang kamao habang nakatingin sa akin. “Dapat ko ngang ingatan ‘yung ilong ko. Kasi kapag ‘yung akin sinuntok, mababali, e‘yung sayo? Babaon! Haha!”

     Naramdaman kong kumulo ‘yung dugo ko. Ang kapal nitya! Oo, aminado akong hindi kasing tangos nung sa kanya ‘yung ilong ko. Pero may katangusan pa rin naman ‘yung sa akin! Saka, oh please! Sino siya para ipamukha sakin ‘yun? Tumayo ako. “Ano ba’ng pakialam mo?!”

Napatingin lahat sa akin at nahinto ‘yung discussion.Lumunok ako. Gusto kong lumubog dahil sa kahihiyan ngayon.

     Buti nalang at may kumatok sa pinto. Binuksan ni Mrs. Terrano iyon.Nakita ko ‘yung isa kong kasama sa Student Council. “Good morning po, Mrs. Terrano. Pwede po bang i-excuse si Luna Reyes? Mayroon po kaming kailangang gawin sa SC room e.”

     Tumingin muna sa akin si Mrs. Terrano. Kinabahan ako kasi iba ‘yung tingin niya sa akin. Para bang nainis siya sa biglang pagsigaw ko. Pero kahit papaano nakahinga ako ng maluwag noong sinabi niya na, “Okay. Ms. Reyes?”

      “Sa wakas.” Inalis ko ‘yung lab gown ko at inilapag sa may table. Agad kong kinuha ‘yung bag ko sa may bag rack at saka lumakad palabas ng room.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon