Chapter 74

19.6K 235 18
                                    

Chapter 74

Kat

 

“Jessie!” Kinatok ko ‘yung pinto ng kwarto niya.

    CRASH!

     Napataas ‘yung balikat ni Steff sa tabi ko. Parang natatakot siya sa mga ingay na naririnig namin sa loob ng kwarto ni Jessie.

     “Pare, ano ba! Huwag ka namang magwala dyan!” sigaw ni Kevin. Pero nasundan pa ulit iyon ng isa pang kalabog.

     Nagbuntung-hininga si Kevin at napakamot sa ulo. “Jessie, please, huminahon ka lang!” Sinubukang iikot ni Rio ‘yung knob pero naka-lock iyon.

     CRASH!

     “Nasaan ‘yung duplicate key?” tanong sakin ni Rio.

     “Wala. Kinuha niya. Noong isang gabi pa siya ganyan. Nag-aalala na ko sa kanya.” Biglang nangilid ‘yung luha ko. May mga bantay kasi ‘yung bahay ngayon. Natakot ‘yung parents niya noong bigla siyang umalis papunta ng Baguio kaya ngayon, ang higpit na ng bantay sa kanya.

     At kahit gustuhin man niyang lumabas ng bahay, hindi niya magawa.

     Mas malala si Jessie noong unang gabi. Sigaw siya ng sigaw sa loob ng kuwarto niya magdamag. Saka mas malalakas na ingay ‘yung naririnig ko.

     “Tapos tuwing lalabas naman siya, hindi niya ko pinapansin. Lalabas lang siya kapag kukuha siya ng alak,” dugtong ko.

     Lalong napakamot ng ulo si Kevin. “Ano ba yan! Sinisira ni Jessie ‘yung buhay niya!”

     Hinampas siya sa balikat ni Steff. “Ano ka ba, Babe! Kaaalis palang ni sis ko! Syempre hindi pa siya makaka-get over ng ganoong kadali! At sa tingin ko kaya siya nagkakaganyan... Kasi wala siyang magawa para ibalik si sis dito.”

     Huminga nalang ng malalim si Kevin at sumandal sa pader. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi siya umimik noong pinagsabihan siya ni Steff. Sa totoo lang, lahat sila ay ngayon ko lang nakita ng ganitong kaseryoso at sobrang nag-aalala.

      “Nasaan ‘yung parents niya?” tanong ni Sarah. Nakalimutan ko, nandito nga pala siya. Nakasandal siya doon sa pader at nakahalukipkip habang nakatingin sa sahig. Hindi ko mabasa ‘yung expression niya. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nagagalit.

     “May inaayos lang para sa business nila,” sagot ko.

     Then bigla siyang tumawa at umiling. “Mga walang kwent sila! Wala man lang silang pakialam kahit na nagkakaganyan ‘yung anak nila. Ni hindi nga nila alam ‘yung kalagayan ni Jessie. Tapos ngayon, nagpalagay pa sila ng mga bantay sa labas? Pambihira.”

     Hindi kami kumibo. Dinig na dinig tuloy ‘yung bawat ingay at pagsigaw ni Jessie sa loob ng kwarto niya.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon