Chapter 4

27.3K 418 12
                                    

Chapter 4

Jessie

Tumunog na ang bell.

     Okay, lunch time na. Hindi na rin bumalik pa ‘yung babaeng pikon kanina. Saan kaya siya pumunta? Mukhang big-time ‘yung Pango na ‘yun. Student Council e. Masipag siya for sure. Siguro siya ‘yung taga-dala ng paperworks. Haha.

Pumunta ako sa locker ko sa may hallway. Inilalagay ko‘yungmga libro ko doon ng biglang may tumabi sa akin.“Hey, ‘zup?”

     “Justin!” Tapos niyakap ko siya in a manly way. “Zup, man? Matagal na kong walang naririnig tungkol sa’yo.” Right, he’s Justin Cuevo. Vocalist of the band Pepperoni Cheese. I know, it sucks. Ang baduy, no?

     “Been searching for a new drummer.” Kinamot niya ‘yung ulo niya. “Kung kailan pa naman may palapit na gig saka siya umalis.”

     Kung ganun ba naman kasi kabaduy ‘yung name ng band niyo e. “Ano ba kasing nangyari?”

“Basta! Wag mo nang alamin!” Inakbayan niya ako. “Gusto mo bang sumali samin?”

     Napatingin ako sa kanya. “Ha?”

     “Come on, bro! Five months tayong di nagkita no. Anong date na ba ngayon? End of August na! Sa September may gig ‘yung band sa School Fest. Noon ngang sinabi mo sa chat na uuwi ka na, hindi na ko nagdalawang-isip na imbitahan ka sa banda.”

     That’s right. Noong pumunta ako ng America, nag-transfer din ng school sina Justin, Kevin at Rio. Childhood friends ko sila at mula grade one, magkakasama na kami. Kaso nga, kinuha ako sa America noon pero ngayong nandito na ulit ako, buo na naman ang tropa. Actually, may usapan kami na makakauwi pa ako, dito sa Moulton High School ulit makukumpletoang barkadahan namin.

Hindi ako kasali sa banda because my mom told me to stop playing the drums right before Justin formed the band. Galing ng timing, no? Pero noong nandun ako sa America, nakita nina Mommy at Daddy na bored na bored ako kaya they allowed me to continue playing and they even bought me a new drum set.

     Pero hindi talaga kinaya e, bored talaga ako doon. Kaya wala din silang nagawa. Noong umuwi ako dito sa Pilipinas, dinala ko ‘yung drum set ko. Sa bahay namin ako umuuwi. Gusto ko sanang mag-dorm o kaya apartment, kaso Mom insisted na sa bahay nalang daw akosince uuwi din sila before Christmas.

      “Ano?” muling tanong sa akin ni Justin.

     Kinamot ko ‘yung ulo ko. “Sige na nga! Kung hindi ka lang malakas sakin…”

     “Great!” Ngumiti siya. “Halika, doon tayo sa music room. Nandoon sina Kevin at Rio. Sabay-sabay na tayong kumain ng lunch.”

     Bumaba kami sa first floor. Malaki din pala ‘yung Moulton High. May oval, malaki din ‘yung gym tapos may swimming pool pa. Sabi nung classmates ko, tuwing Friday ang swimming lesson namin. Dahil na din sa mga bagay na ‘to ay may kamahalan ang tuition namin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now