Chapter 25

17.1K 218 7
                                    

Chapter 25

Luna

Inilagay ko na ‘yung SIM card sa cellphone ko.

     Nasa loob ako ng CR at nakatitig sa salamin. “Nakakainis ka, Jessie Wright! Nakakainis ka talaga! Bakit ba lagi nalang ikaw ‘yung bwisit sa buhay ko? Makita lang kita, naiinis na ko!”

     Mukha akong tangang nagmamaktol mag-isa doon.

     Biglang tumunog ko ‘yung cellphone ko. Binuksan ko ‘yung message at nagulat ako ng may nakalagay na ibang pangalan doon sa sender.

From: Linta

I miss you na, baby.

     Kumunot ‘yung noo ko. Sino ba ‘to? Saka anong ‘I miss you’? Baliw ata ‘to e. Kailan pa nagkaroon ng name na Linta sa contacts ko? Weird.

RE:

Sino ‘to?

     Naghintay ako ng dalawang minuto bago siya nag-reply.

From: Linta

You’re kidding me, right? I’m Sarah. Sino pa ba?

     Sarah? ‘Yung girlfriend ni Jessie? E bakit nag-text sakin ‘to? Paano ko nagkaroon ng number niya dito? At bakit Linta name niya sa contacts ko?

     Kinabahan ako kasi wala talaga kong idea kung ano ang nangyayari. Binuksan ko ‘yung inbox. Puro Linta lang naman ‘yung nakalagay.

     Pumunta ako sa contacts. Hinanap ko ‘yung pangalan ni Steff. Nagulat ako kasi wala siya sa contacts. Tiningnan ko ‘yung mga number sa contacts. Sinu-sino ba ‘to? Bakit puro babae ‘yung naka-register?

     Nakita ko ‘yung name ni Justin...

     Then ni Kevin...

     At ‘yung...

     “Name ko? Bakit mayroon akong name dito?”

     It made sense. Alam ko na kung ano ang nangyayari. Pinagpalit ni Jessie ‘yung SIM card namin! Bigla akong kinabahan. Ka-text ko kasi si Justin noong panahong kinuha ni Jessie ‘yung SIM ko. Hindi kaya… siya ‘yung nag-reply para sakin?

     Lumabas ako ng CR ng galit. Pumunta ako ng room at dire-diretsong lumapit sa kinaroroonan ni Jessie. Hinampas ko siya sa likod.

     “Aray!” sigaw niya. “Ano ba’ng problema mo?!”

     “Ilabas mo ‘yungSIM card ko!”

     Napansin kong medyo namutla siya. Nakatitig lang siya sa akin. Lalo tuloy akong nainis. “Ilabas mo na sabi!”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon