Chapter 37

18K 279 23
                                    

Chapter 37

Luna

“Ayan, okay na.”

     Tapos nang lagyan ng gauze ni Dra. Marquez‘yung sugat ko sa ulo, malapit sa may noo.“Bakit ka ba kasi nadapa, hija?” tanong niya.

Kinamot ko ‘yung ulo ko. “Ano po?”

     “Tinatanong ko kung bakit ka nadapa?” pag-uulit ni Dra. Marquez.

     “Ha? Nadapa po?” nagtataka kong tanong.

     Tumitig lang siya sa akin. Biglang sumakit ‘yung ulo ko. “Aray!” Sinapo ko ng kamay ‘yung ulo ko.

     “Oh...” Inalalayan ako ni Dra. Marquez. “Baka epekto ‘yan ng pagkakatama ng ulo mo. Nagkakaroon ka ng memory lapse. Pero hayaan mo, babalik din ‘yan sa normal kapag naghilom na ‘yang sugat mo.”

     Lumabas na kami doon sa office niya. Nakita ko sina Steff at Justin na nakaupo sa sofa. Tumayo sila nung makita nila ko.“Luna!” Niyakap agad ako ni Steff. Halata sa kanyang nag-alala siya. “Ayos ka na ba? May masakit pa ba?”

     Umiling ako. “Wala na. Okay na ko.”

     “Tinakot mo ko! Sabi kasi ni Justin dumugo daw ‘yung ulo mo. Alam mo bang mas pinagod mo pa ko sa pagtakbo papunta dito kaysa dun sa Fun Run?”

     “Sorry, sis.”

      “Tsk! Wag mo nang uulitin yan ah? Kinabahan talaga ko!”

     Ngumiti ako at tumango.

     Tumingin ako kay Justin. “Thank you Justin ah? Sa paghatid sa akin dito. Tapos hinintay mo pa ko. Thank you talaga.”

     Ngumiti lang siya sa akin. “Wala ‘yon. Alam mo namang nandito lang ako lagi para sa’yo e.”

     Bigla akong namula. Bakit ba kailangan pa niyang sabihin ‘yung bagay na ‘yon?

    “Ahem.” Umubo si Dra. Marquez sa kamao niya. “So, Luna, bawal ka munang magpagod ngayon. Alam kong hindi mo maiiwasan ‘yun dahil ikaw ang president ng Student Council, pero you have to know your limitations. Kailangang ingatan mo din ‘yang sarili mo lalo na’t may sugat ka na pinapagaling.”

     “Don’t worry, doktora. Ako ang bahala kay Luna!” masayang sabi ni Steff.

     Lumabas na kami ng Clinic. Pagkasara ng pinto ay nakita ko si Jessie na parang may hinahanap at madaling-madali. Noong nagtama ‘yung tingin namin, biglang bumilis na naman ‘yung tibok ng puso ko.

     Tumakbo siya papunta sa amin. Naka-PE pa rin siya at pawis na pawis. Humihingal pa siya noong huminto siya sa harapan namin. Tumingin siya kay Justin sandali at pagkatapos ay sa akin ulit.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon