Chapter 21

19K 279 20
                                    

Chapter 21

Jessie


Inilagay ko ‘yung SIM card niya sa cellphone ko.

     Maya-maya lang ay mayroon nang dumating na text.

From: Justin

Luna?

     Ni-reply-an ko siya.

RE:

Ow?

From: Justin

Tulog ka na ba?Tagal mong mag-reply.

      “Tss. Para namang ewan ‘to,” naiinis na bulong ko.“Magre-reply kaya ako kung tulog na ko.”

RE:

May inasikaso lang ako. Hehe. Sorry.

From: Justin

Ah, okay. Hehe. Ano inasikaso mo?

 

      “Libingan mo! Baka gusto mo nang pumasok sa kabaong?” Teka, bakit ba kasi init ng ulo ko.

RE:

Wala naman. Hehe. May tanong ako sa’yo, Justin.

From: Justin

Ano ‘yun?

 

     Pagkakataon ko na ‘to, right? Pero paano kapag nalaman ni Luna na ako ‘yung nakipag-text kay Justin? Bahala na nga.

RE:

Do you like me?

     Naghintay ako ng ilang sandali. Ang tagal niyang mag-reply. “Siguro naihi na ‘yun sa gulat,” natatawang sabi ko habang nakahiga sa kama at nakatitig sa screen ng cellphone ko. After two minutes ay biglang tumunog ‘yung cellphone ko.

From: Justin

Bakit mo naman naitanong ‘yun? Hehe.

RE:

No reason. I just want to know. So, do you like me?

     Naghintay pa ko ng ilang sandali. Biglang tumunog ‘yung cellphone ko at hindi ako makapaniwala sa nababasa ko ngayon.

From: Justin

Um. Yes? Haha.

     “Asa!” Ibinato ko ‘yung cellphone ko sa may kama ko at saka bumalik sa pagkakahiga. Inilagay ko ‘yung braso ko sa ibabaw ng mga mata ko.Bad trip. Bakit gusto niya ‘yung pango na ‘yun? ANo bang nakita niya dun at nagustuhan niya ‘yung brutal na babaeng ‘yon?

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon