Chapter 31

18.7K 243 15
                                    

Chapter 31

Luna

“Sinasapian ka ba?”

     Napatingin ako kay Steff habang nagto-toothbrush kami sa banyo. “Ha?”

     “Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan . Baka malulon mo na ‘yang toothbrush mo.”

     Nagmumog kami ni Steff at saka nagpalit ng damit. “Ano?”

     “Anong ‘ano’?” pagmamaang-maangan ko.

     “Bakit ka nga masaya ngayon? May nangyari ba?”

     Bigla akong namula kasi parang awtomatikong nag-replay sa isipan ko ‘yung nangyari kagabi. Ikinuwento ko kay Steff ‘yung nangyari at bakas sa mukha niya ang matinding pagkagulat.

     “OMG! Hinalikan ka ni Jessie mhmhmhmh!”

     “SHHH!!!” Tinakpan ko ‘yung bibig niya. “Ingay mo naman e! Baka marinig nila tayo sa labas.”

Huminga-hinga siya at pinapaypayan pa ‘yung sarili. “Catch me, sis! I can’t breathe!”

“Haha, ang OA ah.”

     “Paanong hindi? E kiss ‘yon! K.I.S.S.!” sabi niya at ini-spell pa ‘yung salitang ‘kiss’. “Isa lang ang ibig sabihini niyan, sis.” Hinawakan niya ‘yung braso ko. “May gusto sa’yo si Jessie!”

     Namula ako sa sinabi ni Steff. May gusto nga kaya sa akin si Jessie? E bakit sabi niya, mahal niya si Sarah?

     Noong lumabas kami sa banyo, nakita namin na nakaupo na ‘yung mga lalaki doon sa dining table, nagdadaldalan. Napatingin ako kay Jessie. Biglang tumalon ‘yung puso ko at sinubukan kong pigilan ‘yung ngiti ko.Baka akalain pa nila nababaliw na ko. Haha.

     Napag-usapan namin ‘yung tungkol doon sa School Fest. Nag-suggest si Steff na Face Down ang kantahin nila, by Red Jumpsuit Apparatus. Para naman daw hindi masyadong baduy. Napatingin ako kay Jessie. May ka-text siya. Maya-maya lang ay napatingin siya sakin. “Ano?”

     “Wala. Bakit?”

     “Wala din,” simpleng sagot niya at saka bumalik sa pagte-text. Tingnan mo ‘to? Parang awalang nangyari kagabi ah! O baka naman ako lang kasi ang masyadong apektado sa nangyaring ‘yon?

ж ж ж

“Miss, pwedeng pakisabi nalang kay Steff Lazaro na nauna na kong mag-lunch? Nandoon pa siya sa loob eh,” sabi ko sa receptionist.

      “Yes ma’am. Ako na pong bahala,” sagot niya sa akin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now