Chapter 49

15.3K 194 13
                                    

Chapter 49

Sarah

Ngayong araw na ‘yung school play.

     At ngayong araw na din magaganap ‘yungpinaplano ko. Huwag magkakamali ‘yang Trixie na ‘yan at kung nagkataon ay siya ang mananagot sakin. Kailangang plantsado lahat ang detalye para walang sablay.

     Because before this day ends, Jessie and Luna’s relationship will be in grave danger.

Hapon ‘yung play at mukhang uulan pa yata. Tsk, kanina tirik na tirik ‘yung araw pero ngayon ang kulimlim na ng paligid. Paano na kung hindi pumayag si Luna na manuod ng play? Hindi! Hindi pwede! Masisira lahat ng plano ko!

     I managed to contact Casey through Facebook. Nagpakilala ako na kaibigan ni Luna at sinabi ko sa kanya na hindi makakasama si Lunang sumundo sa kanya kasi kasali ito sa school play. Kaya sabi ko sa kanya na tumuloy nalang siya doon sa school kung gusto niyang makita si Luna agad. Sinabi ko na rin kay Trixie kung ano ‘yungdapat niyang sabihin kay Luna.

     Nakahanda na ang lahat. Ang problema nalang ay kung papayag si Luna at kung sakto ‘yung calculation ko sa oras ng pagdating ni Casey. Halos isang araw dinyata ‘yung byahe galing America, so it means na kahapon pa ‘yung flight niya.

      “In ten minutes, guys! Ayusin niyo na ‘yung costumes and makeup niyo!” sigaw noong director ng play namin.

     Naglagay ako ulit ng foundation at nagpahid pa ng kaunting lipstick para siguradong hindi siya matatanggal throughout the play. Pinuntahan ko na rin si Jessie doon sa upuan niya habang inaayusan siya ng buhok.

     Ngumiti ako at sumandal doon sa table sa harapan niya. “You look very handsome, Baby.”

     “You’re blocking the mirror, Sarah,” matabang niyang sabi.

     “Suplado ka na naman? Kaya love kita e.” Napansin kong naiilang ‘yung nag-aayos sa buhok niya. Tinitigan ko siya at mukhang naintindihan naman niya ‘yung ibig sabihin ko. Umalis siya para iwanan kaming dalawa ni Jessie.

     Nagbuntung-hininga si Jessie. “Huwag ka namang masyadong hot. Baka masunog ka na niyan,” biro ko sa kanya.

     “Please stop calling me that stupid name, okay?” Akmang tatayo na siya sa upuan ng bigla kong ilagay ‘yung mga kamay ko sa magkabilang arm noong upuan para hindi siya makaalis.

     “I will call you ‘Baby’ no matter what.” Umupo ako doon sa lap niya at hinawakan ‘yung mukha niya. Wala na akong pakialam kahit may nakakakita pa sa amin, basta ang sa akin lang, I want him back.

“Sarah.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko. “Huwag mo kong hintayin na kasuklaman ka. You’ve done bad enough. Nang dahil doon sa lecheng message mo sa Facebook, nagkagalit kami ni Luna.”

     Nagulat ako. “What??”

     Itinulak niya ko kaya napatayo ako. “Oo. Nagkagalit kami. Masaya ka na?” At pagkatapos ay umalis na siya.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon