Chapter 61

15K 186 7
                                    

Chapter 61

Sarah

“Nakakainis!”

     Ininom ko ‘yung baso ng alak ko hanggang sa maubos iyon. Ibinagsak ko ‘yung baso na ‘yon sa bar counter.

      “Sarah! Ano ka ba! Nakakatatlong bote ka na!” Pilit saking kinukuha ni Leslie ‘yung bote ng alak ko pero hindi ko ‘yun ibinigay.

     “Screw that Luna! Nangingialam pa kasi si Justin! Bakit ba lagi nalang may nagtatanggol sa kanya?!” Pinuno ko ulit ‘yung baso ko. “Parang sa isang kiss lang namatay na agad ‘yung ginawa kong issue? What the hell?”

     Ininom ko ulit ‘yung alak sa baso ko. “Girl naman! Tama na! Lasing ka na e.”

     Tiningnan ko ng masama si Leslie. “Tumigil ka nga dyan! Hindi pa ko lasing. I HATE HER! I HATE THEM!” Ibinato ko ‘yung baso. Napatingin ‘yung ibang nasa bar pero wala akong pakialam. Nag-uumapaw ngayon ‘yung galit at inis ko.

     “Sarah, ano ba! Nakakahiya na ‘yang ginagawa mo!” Hinawakan ako ni Leslie sa braso.

     “Get off me!” Inalis ko ‘yung braso ko at lumakad palabas ng bar. Hindi ako susuko. May alas pa ko. Nasa akin pa ‘yung picture namin ni Jessie na pinakuhanan ko kay Trixie. Dito din sa mismong bar na ‘to naganap ‘yun. Kaso hindi ko alam kung paano ko gagamitin ngayon ‘yon kay Luna kasi sila na ni Justin.

     Nakakainis talaga!

      “Girl! Teka hintayin mo ko!” Tumakbo si Leslie para makahabol sakin. “Mag-taxi nalang tayo. Gabi na eh.”

     Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakakunot ‘yung noo ko sa sobrang inis. Gusto kong ibalibag ‘yung hawak ko na bag. Gusto ko ding ibuwal ‘yung bawat nadadaanan kong poste.

     Malapit na kami ni Leslie sa crossing. Gusto ko nang umuwi at matulog. Kaunti lang ‘yung nagdadaang sasakyan ngayon kaya malabong makakuha kami ng taxi. Saka mailap din ‘yung tao sa lansangan kasi masyado nang gabi. Binilisan ko pa ‘yung paglalakad ko para makauwi na ako agad.

     Mula sa kanan, nakarinig ako ng tawanan. Napahinto ako ng makabunggo ako sa isang lalaki. Sinalo ako ni Leslie mula sa likod. “ARAY! ANG TANGA MO NAMAN! HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?!” sigaw ko sa bumunggo sakin.

     “Aba at ako pa ngayon ang may kasalanan?!” singhal noong lalaking nakabangga ko.

     “Girl, t-tara na,” kinakabahang sabi sa akin ni Leslie habang inaalog niya ‘yung balikat ko. Actually, medyo kinabahan rin ako. Mukha kasing siga ‘yung nabangga ko pati ‘yung isang kasama niya. Akmang tutuloy na kami sa paglalakad ng bigla nila kaming harangin.

     “At saan kayo pupunta? Pagkatapos mo kong sabihan ng tanga aalis ka na lang?”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon