Chapter Two

980 28 10
                                    

CHAPTER TWO. 

Lumabas ako ng kwarto ko at agad na nagtungo sa bahay ng kapitbahay ko. Tamang timing ko!  Nag iinuman sila,  baka sakaling pumayag sila kaagad. 

Teresa,  think positive! 

Pumunta ako sa harap nila na ikinagulat naman nila.

"Hey tere!  Ayos ang dating mo.  Tara shot! " sabi ni Anastasia. 

"Eew!!  I don't drink alcohol. " sagot ko naman na parang diring diri.  Good girl kaya ako.. 

"Arte neto,  so bakit ka pa naparito? " sabi naman ni Grace na tutumba-tumba. Ang sakit naman magsalita neto!  Pero okay lang,  intindihin, lasing ee. 

" May pabor lang akong hihilingin " sabi ko. 

Nagtinginan naman sila tas ngumiti.  Yung tipong ngiting aso?  Yung parang may binabalak?  Kinabahan naman daw ako.  Natural,  lasing kaya ang mga to.  Malay mo,  kung ano pa ipagawa nun sa akin ee. 

"Sabihin mo,  ano ba yun Teresa? " sabi ni Aliyah.  

"Maasahan ko ba kayo? " paninigurado ko naman. 

"Oo naman!  Kami pa ba? "

Sige na nga..  Pero,  on the second thought,  nagbago isip ko. Hello,  nakakahiya kaya?  Hindi ko naman ugali ang mangutang kaya hindi ako expert dito.  Panu ba kasi gawin to?  Baka mapahiya pa ako dito sa mga lasing na to.  Kaya parang gusto kong mag back out ee.  Pero hindi ko talaga maipagpapalit yung number one sa puso kong mga idol ko kaya.. 

"Pautang naman po,  14000 pesos lang" sabi ko sa mahinang boses habang nakayuko at nakapikit sa hiya. Please naman po..  Have mercy upon me. Ipinamumukha ko man sa kanila na wala akong pera at kaawa-awa,  pero sana naman kaawaan talaga nila ako. Huhuhu,  please kaawan niyo ako. Maawa naman kayo T.T

Yung mukha nila ganto :

( >.>) (<.< ) (<.< )

" Ay sows,  alam ba yan ng magulang mo? " sabi ni Grace.

"ayun nga ee.  Sa tingin mo,  nandito ako kung alam nila?  Kaya nga ako nandito dahil sa kanila ee.  Napaka supportive kaya ng mga yun. Hindi ako makahingi sa kanila,  at wala akong pera. " sabi ko naman. 

" Ah okay. Pero grabe naman yung hinihingi mo sa amin.  Biruin mo, 14000? At san mo naman yun dadalhin? " tanong ulit ni Grace. 

"sa kpop concert. " 

"Sorry,  wala kaming ganun kalaking halaga na mapapautang sayo. " sabi naman ni Aliyah. 

Nanlumo naman ako sa binitawan niyang salita. Wala na.  Ang pinaka mamahal kong idol. Pangarap na lang talaga siguro yung hiling ko.  

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon