Chapter Sixteen

570 18 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN. 

Pumunta kami ni Angelica sa bahay ko. Napansin niya naman yung injury ko kaya nagtanong na naman siya kung napano yun. Nako! Chismosa talaga -___- dagdag na naman to sa ikukwento ko.. 

"Oh dali! Dali! Kwento na.. Anong nangyare!? " sigaw niya nung makapasok siya sa room ko tas sabay higa dun sa kama ko at kumalumbaba sa unan. Aba! Feel at home ah! Umupo ako sa dulo ng kama tas sabay tingin sa kanya na nag iintay sa akin sa pagkwento. 

"Uh.. Angge, ano bang gagawin mo kapag may ginawa akong katangahan sa buhay ko? " paunang sabi ko. 

"Naku! Natural, maiinis ako sayo. Baka mamura pa nga kita at mabatukan ee. I'm just being concerned nuh! Ang real friend, masaktan ka man o hindi sa sasabihin ko, makakarinig ka talaga ng mga masasakit na salita maderetso lang ang pagkakamali mo. Para kayang mother the second ang mga best friends! At ganun ako sayo. Bakit may ginawa ka ano? Nako! Papagalitan talaga kita sinasabi ko sayo! Pero hindi ibig sabihin nun, hindi mo na itutuloy ang kwento mo sa sinabi ko. " 

"Oo na! Oo na! Iniready ko na ang sarili ko sa armalite na talak mo mamaya pag nalaman mo. Gagawin ko to para maintindihan mo." sagot ko. 

"Wow! Best friends :D " tuwang tuwang sabi niya. 

"Hindi! Ayoko lang sinasabihan ng timer-.-" sabi ko. Tinitigan niya naman ako ng masama tapos hinampas. 

"Ewan ko sayo! Go na! Tagal magkwento? "

"Eto na! " sabi ko tas huminga muna ako ng malalim. "Angge, ilang weeks na ang nakakalipas, may ginawa akong kalokohan kina Theo, Leandro at Axcel.. " sabi ko. 

"Hah? Anong kalokohan? Ang tipid mo magkwento! Di ko magets!! " pagrereact niya! Teka lang naman kase nuh! Hindi pa ako tapos magsalita, excited -.-

"Hinalikan ko sa lips si Theo. Sinipa ko sa ANO si Leandro at ipinagkalat ko sa library na gusto ko si Axcel.. " mabilis na sabi ko sa kanya habang nakapikit at takip ang mukha sa hiya.

"HUWAAATT??" nagulat naman siya. "B-bakit mo ginawa yun? Monggoloid ka? "

"Hindi! Napilitan lang ako. Hindi ko ginusto yun. Kapalit lang yun ng hinihingi kong pabor sa mga kaibigan ko. "

"Anong pabor pinagsasasabi mo? "

"Kapalit ng 14000 pesos na concert ticket ng idol ko,  hinamon nila akong gawin yun sa kanila"

"So, you mean nangutang ka sa kanila ng 14000 pesos para lang dun sa mga idol mo at hindi nila ibibigay yun sayo kapag hindi mo ginawa ang paghalik mo kay Theo, pagsipa sa ANO ni Leandro at pag amin sa crush mong si Axcel? " tanong ni Angge. Hay, inulit lang niya sinabi ko pinahaba lang. Tumango na lang ako dahil totoo naman yung sinabi niya ee.  Kinaltukan niya naman ako. Aray! Masakit T^T Hinilot ko na lang yung ulo ko at hindi na umangal pa because I deserved it. 

"Hay naku Teresa! Bobo mo! Bakit ka nangutang dun sa tatlong adik na yun kapalit ng pagkasira nung love life mo! Pwede ka namang umutang sa akin ng hindi mo g***go sarili mo! O kaya kung nahihiya ka sa akin, pwede mo naman silang panuorin sa YouTube? Kelangan ka ba dun? Hindi ka naman nila kilala ee! Isipin mo, sa 14000 pesos mo marami ng mabubusog" sabi na ee. Ganyang ganyan yung sinabi niya sa prediction ko last time remember?  

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon