Chapter Seventy

205 5 0
                                    

CHAPTER SEVENTY.

TERESA'S P.O.V.

"HAAAYY! ANG KULEEET NIYO!! LALO NIYO LANG DINADAGDAGAN ANG PROBLEMA KO EE! BAHALA NGA KAYO DYAN! KUNG AYAW NIYONG UMALIS! PWES, AKO ANG AALIS!! " sigaw ko sa kanilang dalawa at pagkatapos ay naglakad na ako. Tumayo din naman si Theo at sinundan ako. Tsk! Tamo tong Theo na to, sabi ko na ngang gusto kong mapag -isa, balak pa akong sundan.  Huminto ako at tumingin sa kanilang dalawa.
 
"Wag na wag niyo akong susundan!!" dagdag ko at pagkatapos ay dumere-deretso na. 

Nagtungo ako ng elevator para makababa na ng ground floor at ng makauwi na din. Pagbukas ng pinto ng elevator ay pumasok na ako. Nakampanti naman ako ng makita kong wala akong nakitang kasunod ko. Nagsawa na din sa wakas yung dalawang yun. Pero nagkamali lang pala ako. Bago tuluyang magsara ang elevator ay may humarang na kamay at humabol sa loob. Kung sino yun, si Theo lang naman. Akala ko titigilan na niya ako, hindi pa pala. Ayokong magalit sa kanilang dalawa ni Leandro lalo pa at wala naman silang kasalanan sa akin tsaka intensyon lang naman nilang damayan ako bilang kaibigan ngayong namomroblema ako. Ang kaso, sila ang nag -uudyok sa akin na sigawan ko sila ee. Hindi naman talaga ako galit sa kanila. Pero kailangan kong maggalit -galitan para iwanan muna nila ako ng mag-isa. Ayoko muna ng kausap ngayon. Hindi katulad dati maliit na problema lang, takbo kaagad ako sa mga kaibigan ko makahanap lang ako ng kakampi. Ngayon, gusto ko lang talaga mapag -isa. Nakakastress ee.

Anyway, hindi ko na lang siya pinansin at inisip na parang wala akong kasama dito sa loob ng elevator. Nung makababa ang elevator ng ilang palapag mula sa pinanggalingan namin, hindi ko na napagtiisang lumabas ng elevator kahit pa hindi pa ako nakakababa sa ground floor. Ayoko talagang may kasama ako ngayon. Pero mali pala ako ng desisyon. Himbis na makaiwas ako sa kanya, lalo lang pala niya akong sinundan. Sinubukan kong maglakad-lakad pero sinusundan niya talaga ako kahit saan pa ako pumunta. Naisip ko tuloy pumunta sa library total tahimik doon. Sundan man niya ako, hindi niya ako magugulo dahil isang maling kilos niya lang, pwede na siyang paalisin dun ng librarian.

Habang binabagtas ang hallway papuntang library, bigla kong napansin na naglalakad papunta sa lugar namin si AVP kasama ang ilang professors at isang janitress. Akala ko dadaan lang sila kaya naman tumigil muna ako sa paglalakad para ngitian sila at batiin. Ganun din ang ginawa ng nasa likod kong si Theo. Pero nung malapit na sila sa kinatatayuan namin, bigla silang huminto at tumingin sa amin. Take note: Tinging mula ulo hanggang paa. Sabay-sabay silang gumanun sa amin. Ay mali, sa akin pala habang nakacross arm si AVP. At sino bang estudyante ang  hindi mapapalunok at hindi mangangatog kapag nakaranas ng ganto? Wala naman siguro diba? Maliban na lang kung matigas talaga ang mukha. Pero para sa akin, natakot talaga ako. Mga bigatin kaya ang mga to! Bakit kaya nila ako ipepressure ng ganto? Sa di ko naman sinasadyang dahilan, bigla akong napalingon dun sa janitress na kasama nila. Nakita ko, natingin din siya sa akin ng masama.

Ay wait! Teka parang.. 

-Flashback-

"Hoy bata ka! Anong ginagawa niyo hah? Naghahabulan pa kayo dito sa school! Mga dalaga't binata na kayo pero nagawa niyo pa rin ang mga ganyang bagay! Wala kayong pinagkatandaan! Wala kayo sa playground!! Kung gusto niyo maglaro, pwes wag kayo dito! Dun sa dulong part ng campus, may mini playground dun para sa mga elementary! Dun na lang kayo!! Hindi na kayo nahiya! Gusto mo bang ireport ko kayo sa guidance!? " ang mahabang speech ni ateng masunget na kasalukuyang nagmemenopause na akala niya kung sino siyang may ari ng school na ayaw na may tumakbong estudyante dito. Hmmp! Nakakakulo ng dugo ah! Hindi lang dahil sa mga sinabi niyang kung anu -ano na nagpatawag pansin sa mga taong nasa paligid namin pero dahil din sa paghablot niya ng I.D. ko. Oh diba! San ka pa? Nahila na nga niya ng biglaan yung batok ko, kinabisado niya pa yung pangalan at course ko. Naku yari! Isusumbong niya talaga ako sa guidance!!

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon