Chapter Fifty

318 9 2
                                    

CHAPTER FIFTY. 

Kinabukasan. 

Pagkagising na pagkagising ko, tumakbo kaagad ako para kunin ang cellphone ko pati na rin yung laptop ko. Sobra kasi akong excited na baka nagresponse na si Axcel sa mga message ko sa kanya. Actually, sa sobrang excitement ko nga, bara -bara na akong nagtatatakbo makuha ko lang yung cellphone at laptop ko na yung tipong tumunog na yung leeg ko at nahulog pa ako sa kama. Natalisod kasi ako kay Celster ee. Lagapak tuloy ako ngayon. Aray. Una mukha T.T 

-BOOOOGGGSSSHHH-

"Aray! Tanga ng sahig!! " reaction ko nung pumalalda ako.

"Oh! Nak, anyare sayo? Ano? Ilan nahuli mong palaka? xD " asar ni mama na nandito pala sa loob ng kwarto ko. Anong ginagawa niya dito? 

"Mama, sleep walking ang tawag dito, akala ko lumilipad ako -.-"

"Weh? Dahilan mo! " 

"Ma? Bakit po ba kayo nandito?? " tanong ko na lang ng makaiwas na ako sa pambubully niya. Tapos tinignan ko na yung phone ko, walang reply :'( Nalungkot tuloy ako.. umagang -umaga, sira araw ko. 

"Oh! Wag ka ngang bumusangot, pumapanget ka nak.. " comment niya. Takte, hindi sinagot yung tanong ko. Wag niyang sabihing tatambay lang siya dito? 

"Bakit nga po kayo nandito ma? " 

"Eto naman! Bawal? Bumaba ka na kasi, may bisita ka. " ah kaya pala siya nandito, para iinform ako. 

"Bisita? Sino po? "

"Basta pogi. Bumaba ka na para malaman mo.. una na ako, sunod ka na lang. " tas umalis na siya. Argh! Si mama binibitin ako. Sino kayang pogi yun? 

WOOOOOOO!! BAKA SI CHANYEOL? O KAYA SI D.O? *0*

Bumaba na lang ako kaagad. Walang magagawa ang panghuhula ko, hindi ko siya makikilala hanggat hindi ko siya hinaharap. 

Pagkababa ko.. 

JARAAAANNN~

SI AXCEL *0*

Ah yeah! Pogi nga wahaha! Shemay ang kiri ko -.-

"A-axcel.. " sobrang tense na naeexcite na natutuwa kong sabi na yung tipong nautal na ako sa mixed emotions na nararamdaman ko. 

Eto na ba yun? Yung muli naming pagkakabati? 

Let's have a party!! Buong bansa, mula Batanes hanggang Jolo!! 

"Good morning. Namiss mo ko? " tanong niya habang nakangisi. Waaahhh!! Yes!! I miss him so bad!! Tumangu-tango ako bilang sagot. Tapos yun! Inakbayan niya na ako. 

"Axcel.. galit ka pa ba? " takot na tanong ko.

"Hmmm.. tingin mo??" pakipot niyang sagot. 

"Ah.. oo? " nanghula lang ako. Ayokong pangunahan siya. Malay mo, gegyerahin niya lang pala ako ngayon ee, assuming lang pala ako na magbabati na kami. 

"So bakit pala ako ngayon nandito? " 

"Ewan. Siguro baka.. gusto mo akong awayin? Di ko alam! Bakit ba? " naguguluhan kong tanong.

"Haha! " tawa siya. "Alam mo, kung mag LQ tayo, daig pa natin ang magshota. Sagutin mo na ako.. " dagdag niya. 

Waaahhh nakadrugs ba siya? 

"Ano? "

"Hehe. Joke lang!! "

Ah okay. Joke lang -.-

"So.. di ka na galit sa akin? " tanong ko. 

"Hmmm??  Depende.. Kulitin mo muna ako. "

Hah? Pakipot? 

"Axcel.. sorry na, bati na tayo please. " sabi ko. Kulitin daw siya ee -.- Anong kaartehan yan? Pakiexplain. Pagkatapos nun, tumawa siya. Hala? 

"Haha!! Ano bang ginagawa mo para pakiligin ako ng ganto? " sabi niya. Buseeeet!! Itigil na din natin to, kinikilig na din ako ng bongga! 

"So.. ano na? " tanong ko. 

"Anong ano? " pagpapatay malisya niya pa. 

"Ano.. bati na ba tayo? " 

"Tsk. Eto naman! Di ka marunong! Hindi ako galit sayo nuh!? Kelan nangyari yun? Gusto ko lang na lambingin mo ako :D "

Ay shocks! Sayang effort! Di naman pala siya galit? 

"Ano ba yan. Di man lang ako nakatulog dyan sa pagtatampo na yan tas nagpapakipot lang pala? Tsk. Tsk. " pagmumurmur ko. Pero medyo nalakasan ko yata ee at narinig niya kaya tumawa siya ng malakas. 

"HAHA!! " tapos bigla niya akong niyakap. Potek! Wag kang ganyan!  >_<

"Wag ka na mainis! Basta ikaw hah, mangako ka na hindi mo na gagawin yun. Kasi isang mali na lang talaga maghahanap na  ako ng iba xD "

Napatingala ako ng biglaan sa kanya. Waaahhh! Ayoko! >_<

"Haha! Joke lang :D " 

Ah joke lang pala. Natakot ako dun ah T3T

Pero sige! I promise na magtitino na ako kahit pa hindi pa kami. Alam na din naman namin na gusto namin ang isa't -isa ee, kaya ayokong una pa lang, magulo na at wala na ang trust niya sa akin. Malapit ko na din naman siyang saguting ee. One month na lang. Excited na ako!! At promise ko talaga kapag naging kami, hindi ako magiging pasaway na girlfriend sa kanya :D 

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon